CHAPTER 31

45.8K 937 43
                                    

Pilit kong pinakalma si Milo dahil di mabuti sa kaniya ang umiyak ng matagal. Nagmukha kaming kawawang sisiw dito sa bahay niya! Ang sabi niya sakin ayaw niya na dito, gusto niya na raw makasama ang papa Lucard niya.  Ngunit nakatulog siya sa kakaiyak, napatitig ako sa kaniya habang mahimbing na natutulog. Di na talaga ako lumabas ng silid, ngunit nag-alangan akong tumayo nang may narinig akong sunod-sunod na katok sa pinto.

Pagbukas ko ay nabungaran ko si Aleng Corazon, napatitig ako sa kaniya at napatingin sa bitbit niyang envelope. "Aleng Corazon, ano po 'yon?"

"Hija may nag-abot nito sakin sa labas, di ko kilala ngunit sabi nya ibigay ko daw sayo. Inilihim ko nalang sa security dahil pakiramdam ko ay importante 'yan" napatingin ako sa inabot niya. Bigla nalang ako kinabahan sa di malamang dahilan.

"Ano po ito Aleng Corazon?"

"Alamin mo hija, di ko 'yan binuksan dahil di naman para  sakin 'yan... sige na," nagpaalam siya sakin kaya sinara ko na ang pinto. Muli akong napatitig dito at dala ng kuryusidad ay tinanggal ko ang naka'sealed.

Nang matanggal ko na ay nakabalot ulit ito sa isang itim na envelope. Napakunot noo ako at di na maganda ang pakiramdam ko, ngunit mas pinili ko paring buksan at alamin ang laman. Unti-unti kong hinigit ang nakapaloob na bagay, napatitig ako sa nakita ko.

Litrato na kuha sa labas ng bahay namin sa Sta. Rosa. Ganon nalang ang sakit at galit na naramdaman ko nang makita ko sa mga larawan na siya nga ang pumatay sa mga magulang ko. Napatakip ako sa bibig ko walanghiya siya! Lahat ng copy ay nandiyan siya kasama ang mga tauhan niya at pinapanood nila ang nasusunog naming bahay sa di kalayuan. Siya ang pumatay! Naikuyom ko ang mga palad ko.

Pinapangako ko ito na ang huling pananakit niya sakin! Lalaban na ako, att mabubulok siya sa kulungan! At sa loob ng envelope ay mag nakita akong sulat. Binuksan ko ito at binasa, napahigpit ang paghawak ko sa papel. 

"You have the right to know the truth, kung sino man ang taong nakita mo sa pictures ay siya ang pumaslang sa mga magulang mo. So, if I were you, umalis kana diyan dahil ikaw na ang isusunod niya. He's a psychopath killer at marami na siyang napatay na tao, at huwag na huwag kang magtiwala sa kaniya. Please contact me if you need help, let's beat him at tatalunin natin siya Milk Sevilla"

At nakalagay sa ilalim ng sulat ang telephone number niya, at ganon nalang ang galit na umusbong sakin ng matuklasan ko lahat-lahat ng baho ng demonyong 'yon! Ang katotohanang matagal ko nang hinahanap! Ako ang isusunod niya? Pwes, siguraduhin nya lang na kaya niyang alagaan ang anak  ko!

Agad kong inayos ang mga gamit ni Milo, at ganon rin ang mga iilang gamit ko. Tinawagan ko ang yaya niya na sunduin kami ni Milo sa loob dahil aalis kami ngayon mismo! Kinarga ko si Milo dahil tulog parin siya, ang yaya niya ang nagbitbit ng lahat ng mga gamit namin.

Nagtaka ang lahat ng mga katulong na nakakita sa amin ngunit di ko sila pinansin at dumeretso kami sa labas. Ganon nalang ang pagmamadali ko nang saktong kakababa niya lang sa kotse niya. Ipinasok ko si Milo sa sasakyan at sa backseat sila ng yaya niya.

"What's the meaning of this?! No, di kayo makakaalis!" tinapunan ko siya ng masamang tingin, kumulo ang dugo ko sa pagmumukha niya at gusto ko siyang pagbabarilin.

"Tapos na ang lahat ng pananakit mo! Kinakamuhian kita!" galit kong singhal sa kaniya, walang emosyon ang mukha niya. Bigla nalang kumawala ang mga luha koz di ko na kinaya at sinugod ko siya.

"Mamamatay tao ka! Demonyo ka, pinatay mo ang magulang ko. Napakahayop mo! Alam ko na ang lahat, at sisiguraduhin kong mabubulok ka sa kulungan!" ngunit bigla nalang niya hinuli ang mga braso ko at tinitigan niya lang ako, pilit kong binabawi ang kamay ko ngunit di niya hinayaan 'yon.

DEVIL'S WRATH 1: Lucian Velorca (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon