NAGISING ako sa isang silid na hindi pamilyar sa akin, napabalikwas agad ako ng bangon. Where am I? Mabilis akong napatakbo sa pinto at paulit-ulit kong ginalaw ang seradura ngunit ayaw bumukas.
Kinabahan ako at bumalik sa kama. Nasaan na naman ako? Sino na naman ang kumuha sa akin? Si Lucian ba? Parang mas kumalma ako sa isiping si Lucian pa rin ang nakakuha sa akin dahil siguro alam ko sa sarili kong hindi niya ako magagawang saktan lalo na at dinadala ko ang anak niya.
Mabilis akong napalingon nang bumukas ang pinto. May pumasok na tatlong lalaking naka-black suit, bigla ko tuloy naalala ang mga naka-black suit noong sa venue. Mabilis na nanlamig ang kamay ko. They weren't Lucian's men.
Sino sila?
"S-Sino kayo? Nasaan ako? Palabasin niyo ako dito, please!" Despite that I was being hysterical, they just stared at me emotionless—para silang estatwa sa harap ko, hindi man lang gumagalaw.
Hindi nila ako sinagot. Napatingin ako sa pinto nang muli itong bumukas, bumungad sa akin ang isang pamilyar na lalaki. Parang may malamig na hangin ang pumasok, at mga yapak niya lamang ang tanging maririnig sa apat na sulok ng silid na ito. Napatulala ako sa kaniya at hindi ako makapaniwalang tinignan siya. Nakatitig siya sa akin habang nakapamulsa, until he slowly smiled.
"Hi, Milk. How are you feeling?"
Para akong nakaramdam ng kaginhawaan nang marinig ko ang boses niya, ngunit hindi pa rin maalis sa akin ang takot at pangamba. Bakit siya nandito? Kasama niya ba si Lucian?
"You can leave now," tukoy niya sa mga tauhan niya. Nagsialisan naman ang mga lalaki at naiwan kaming dalawa sa loob ng silid.
"How are you? Are you okay?" Malambing na tanong niya. Nahihilo pa rin ako dahil sa nalanghap kong usok.
"Nasaan si Lucian?" I asked him, kaya mas lalo akong nagtaka nang nginitian niya ako.
"You are already far from him."
Mas lalong kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "Ikaw ba ang may pakana ng putukan na 'yon?"
"Yeah, but the other one is not me. Quevas Hazelton is also there to get you. I don't know how they found out about that wedding. But I assure you, Milk, you're safe now. Trust me."
My tears instantly fell as I wiped them. Bigla akong kinabahan sa kalagayan niya, naalala ko kasi sina Kat at Jacob noong tinulungan nila ako at kung paano sila nadamay.
"I-I'm scared for you. W-What if he finds out and—"
"No, trust me, okay? They thought I'm in the States." He held my trembling hands and caressed them, as if calming me down.
"I will protect you, Milk," he sighed as he stared at me. There's firmness in his voice, but I was wondering why he needs to help me. Paano niya nalaman na kailangan ko ng tulong?
"How did you find out that I need your help?" Hindi ko mapigilang itanong iyon sa kanya.
"Nagtataka kasi ako kung bakit hindi ka pinapalabas ni Lucian ng mansion niya, lalo na nang makita ko iyong pasa mo noon sa kamay, kaya pinaimbestigahan kita. Though I only have one piece of information about you. You're his secretary, right? But I wondered, why did you end up with him? And all I know is that Quevas desperately wants you. So, are you truly Lucian's girlfriend? Or is my cousin only using you against him? Hindi rin lingid sa akin ang tunay na pagkatao at pinag gagawa ni Lucian dahil madalas akong nakikinig sa mga usapan nila ng kaibigan niya. Don't worry, I am not part of them. I swear."
Napayuko ako at parang may blade na humiwa sa puso ko, lalo na nang binanggit niya ang pangalan ng pinsan niya at kung paano niya ako niloko. "N-Naging secretary lang ako ni Lucian dahil sa isang rason—ang pabagsakin siya. Nalaman niya na tauhan ako ni Hazelton kaya nagalit siya ng sobra at gagamitin niya ako laban sa kanila at sa ama ni Hazelton."
BINABASA MO ANG
DEVIL'S WRATH 1: Lucian Velorca (COMPLETED)
RomanceWarning: 🔞 (This is not suitable for young readers.) Milk, undercover and disguised, infiltrates the world of ruthless billionaire Lucian Velorca, aiming to bring him down. But Lucian, a man known for his ruthlessness and lack of compassion, captu...
