Kinaumagahan wala na siya sa tabi ko. Agad akong nakaramdam ng inis. Alam naman niyang pinakaayaw ko 'yon eh! Padabog akong bumaba ng kama at pumasok ng banyo. Hinubad ko ang damit niya na pinasuot niya sa'kin kagabi at nagshower ako...nag-toothbrush din ako at lumabas ng banyo.
Dumeretso ako sa room ni Milo pero wala na siya pagdating ko...lumabas nalang ako at hinanap siya pero wala sila.
"Manang, si Milo nakita mo?"
"Ay, nasa taas ma'am kasama si sir."
Napatango ako sa kaniya at umakyat ng hagdan. Ano naman ang ginagawa nila doon sa taas? Naglakad ako at di ko alam kung saan sila hahanapin dito, di man lang nag iwan kahit note.
Binuksan ko ang isang room, wala namang tao...I thought maybe they were in the entertainment room. But when I opened it, there was no one there either. I walked towards the music room. When I opened the door, the lights were off, and I felt a chill, so I quickly went out.
But I stopped because before I could close the door, some lights turned on inside. Napasilip ako at ganun nalang ang gulat ko nang may nakita akong placard na may nakasulat na.
"I love you, laham."
Napakabog ang dibdib ko habang naglalakad ako papunta sa isang napakalaking teddy bear na siyang nakahawak ng placard. Mas malaki pa siya kesa sakin.
Napatitig ako sa nakasulat at bigla nalang may kumalabit sa likod ko, agad akong napalingon at napatakip ako sa bibig ko nang makita ang anak ko na may inabot sakin na isang rose na kulay pula.
"For you, mommy."
I took it and was surprised by what he called me... mommy? When did that start? He calls me Mama... I was going to ask him why he called me that, but I just looked at the person following him.
He was carrying two red roses... he came closer to me, and I couldn't explain the joy I felt right now.
"I love you, Lucian..."
I hugged him, and I was crying. I felt him kiss my head.
"T-Thank you, I love you too, Milk."
"Come here, may inihanda kami ni Milo para sa'yo."
Naglakad kami papasok sa isa pang door at namangha ako nang makita ko ang nakahanda sa loob.
"That's for you mommy...nagustuhan mo ba?"
"Siyempre baby, hali ka nga rito."
Kinarga ko siya at hinalikan sa pisngi. May nakaset up kasing table sa gitna at napapalibutannv mga pictures namin, yung buong silid talaga, may nakakabit na mga litrato naming tatlo.
"Wife, we both set this up for you... so where's my kiss?"
I laughed at him and kissed him back. He covered Milo's eyes himself. The three of us sat down, and there was food ready. Di ko masukat ang sayang nararamdaman ko habang nakatingin sa mag-ama ko na siyang nagpapasaya sa'kin. Kumain kaming tatlo at napangiti ako nang makita ang mga nakadisplay sa loob ng room.
Pati mga unan ay may mukha naming tatlo kahit saan ka lumingon ay makikita mo ang masasayang nangyari sa amin simula nang mabuo kami ulit.
BINABASA MO ANG
DEVIL'S WRATH 1: Lucian Velorca (COMPLETED)
RomanceWarning: 🔞 (This is not suitable for young readers.) Milk, undercover and disguised, infiltrates the world of ruthless billionaire Lucian Velorca, aiming to bring him down. But Lucian, a man known for his ruthlessness and lack of compassion, captu...
