CHAPTER 23

103K 2K 85
                                        

                     NAKATITIG lamang ako sa mga batang naglalaro sa hindi kalayuan. Ang bilis ng panahon at ngayon ay four years old na ang anak ko. Kung dati ay bulol pa siya magsalita, ngayon ay sobrang bibo niya na. Ngunit minsan, may mga salita talaga na hindi niya pa masambit nang maayos, pero kapag tinutuwid ko, ay mabilis niya naman natutunan.

Sobrang natutuwa ako sa anak ko, napakasweet niya din sa akin. He's like an angel that God sent to me. I've learned a lot about being a mother, that includes sacrificing everything you've got just to make your son happy.

Mabuti na lang at masunurin siyang bata dahil sinusunod niya lahat ng sinasabi ko. Tuluyan ko nang nilimot ang nakaraan ko, kahit pa na may pagkakataong nangungulila pa rin ako sa mga magulang ko.
Limang taon na rin ang nakalipas simula nang namuhay kami ng payapa, walang gulo at walang takot.
Lahat ng papers ko ay nananatiling private sa pangangalaga ni Lucard dahil isa siyang secret agent. He told that to me when I asked why he knows a lot when it comes to hiding our personality. Kaya madami din siyang koneksyon at mga tauhan para na rin may protection siya, lalo na kapag may nakakalap siyang impormasyon.

I am still wearing a hyper-realistic mask especially at work, pero kapag nasa loob na ako ng bahay, ay tinatanggal ko ito dahil ayokong magtaka ang anak ko kung ano talaga ang tunay kong itsura.
Isa na ako ngayong Chief Editor sa isang malaking publishing house, since last year nang lumipat kami dito sa Denmark. Nakatuwaan ko ring gumawa ng sarili kong libro and I'm very happy, knowing na isa ako sa binigyan ng award ng company sa kaka-published ko lang na ang title ay "Single Mom."
Marami akong natanggap na good feedback sa story ko na iyon at maganda rin ang reviews. Hindi nga ako makapaniwala na nagawa ko 'yon. Wala naman akong ibang inspirasyon kundi ang nag-iisang anghel ko—my baby Milo. I wrote all my experiences as a single mom, and at some point, I was able to empower a lot of them, especially those who were raising their child alone and questioning themselves if they're gonna make it.

Yet, this is life. None of us can escape challenges and we only have two choices—to face it or give up. Choose the other one: to fight, not only for yourself but for those who live with you. My son became my reason why I was able to pull myself together when I was walking on a thin rope.
Always find a reason to live—the same thing as to never get tired of hoping for a better tomorrow. Because as you choose to just keep on moving forward, you'll realize how many hard days have ended, yet you were able to get through them. So, to all single mothers, your name is the hero of your children.
Napatingin ako sa phone ko nang mag-vibrate ito, kaagad kong sinagot ang tawag.

"Hey, where are you?" Napangiti ako nang marinig ang masiglang boses niya—it's Lucard.

"Nandito sa playground. Nagmakaawa kasing samahan ko siya, gusto niya daw maglaro." I answered with a chuckle.

"Oh right, papunta na ako diyan." Ibinaba na niya ang call kaya tumayo na ako at binitbit ang bimpo at tubig papunta sa pwesto ng anak ko.

"Baby, come here." I called my son. Agad naman siyang lumapit sa akin kaya pinunasan ko kaagad ang likod at noo niya. I handed him his tumbler.

"Uminom ka ng tubig, anak." He immediately nodded his head and obliged.

Even though we are living in another country, my son can speak and understand Tagalog. Basta na lang siya nagsalita noon ng Tagalog at kapwa kaming nagtaka ni Lucard kung saan niya natutunan.

Sabi niya narinig niya raw sa amin. Kaya tinuruan ko na, dahil gustong-gusto niyang matuto, at saka mas mabuti nang may alam siya sa tunay na wika namin. Besides, living abroad doesn't erase the reality that he is still a Filipino, though his father has foreign blood.

"Thank you, Mama," he cutely said as I pinched his bubbly cheeks.

"You're welcome, anak!" Ngumiti siya sa akin at hinalikan muna ako sa pisngi at noo. Ganyan siya ka-sweet.

DEVIL'S WRATH 1: Lucian Velorca (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon