Upang maani ang mga luha, ang maliit na pusang itim ay kumurot kay maliit na Lutos ng ilang beses, naging dahilan sa pag-agos ng mga luha na parang gripo, sa pagkataong ito lamang, lahat ng luha ay naipon sa maliit na bote. Ito ay espesyal na inihanda para kina Jun Xian at Jun Qing.
Bago nya palakasin ang kanyang sarili, Ang kaligtasan ng Palasyong Lin ay pasan sa balikat nilang dalawa.
Pagkatapos ng matinding pag-iyak, ang kaawa-awang pagod na maliit na lotus napalitan muli sa isang halos hindi nakikitang singsing at umupo ng tahimik sa kanyang daliri.
Pagkatapos ng munting ani, Si Jun Wu Xie ay nahulog sa isang malalim na pagkakatulog.
Sa pagsikat ng madaling araw, pinuntahan niya si Jun Xian.
Nagulat si Jun Xian nang makitang hinahanap siya nang kusa ng kanyang mahal na apo. Magmula noong siya ay nasaktan, bihira lang siyang magkaroon ng pagkakataong makasama si Jun Wuxie, sa tuwing sinusubukan niyang makipag-ugnayan sa kanya, si Jun Wuxie ay tila tahimik at umiiwas, kumirot ang puso ni Jun Xian.
"Wu Xie? Bakit ka nandito? Halika, maupo ka dali." Dali-dali siyang dinala ni Jun Xian sa pinakamalapit na upuan.
Si Jun Wu Xie ay itinuring na parang isang kayamanan dahil siya lamang ang nag-iisa sa kanyang henerasyon, may kapansanan si Jun Qing, ang pagkakaroon ng mga anak ay maaaring hindi posible.
Umupo siya ng maamo habang siya ay dahan-dahan nag-iinit sa bago niyang lolo.
"Lolo, Nais ko sanang pag-usapan ang isang bagay sayo." Mataimtim niyang sabi.
Ang kanyang biglaang deklarasyon ay nagpabilis ng tibok ng kanyang puso. Narinig na kaya niya ang lahat ng tsismis na nangyayari sa paligid?
"Sabihin mo lang, Kahit anong gusto mo, pangalanan mo lang! Hangga't ito ay isang bagay na abot ng aking makakaya, Ako ang gagawa para sayo." Tinutugunan niya ito ng may pagmamahal.
Tumikhim si Jun Wuxie. Ito ang kanyang kauna-unahang pormal na pag-uusap ng 'pamilya' na kanyang naranasan.
" Lolo gusto kong ipawalang bisa ang Kasunduan, at Alam mo na wala akong kontraktwal na espiritu. Alam ko naman na Hindi ako marunong maglinang at naisip ko, mula nang ako ay nagpapagaling sa aking silid, Nagtingin-tingin ako sa ilang librong medikal. Hindi naman masama ang kasanayan sa pagsulat ko at dahil hindi ako makapaglilinang ng anumang espirituwal na kapangyarihan, Naisipan kong mag-aral nalang ng medisina."
Napatingin si Jun Xian sa kanya na may gulat na ekspresyon. Siya... siya'y talagang nagpunta dito para lang pag usapan ang makatwirang bagay. Kahit na mahal niya ang kanyang apo, alam niya na walang kakayahan si Jun Wuxie maliban sa paggawa ng gulo. Napaupo siya doon na parang natulala.
Nakita ni Jun Wu Xie na hindi umimik si Jun Xian sa pwesto, nagpumilit siya at Sinabing: "Ang Palasyong Lin ay hindi na payapa tulad ng dati. Pagkatapos ng aking pinsala, Napagtanto ko ang maraming bagay. Wala kang dapat alalahanin sa akin, Gusto ko na talagang magbago."
Nanatiling tahimik si Jun Xian. Ang kasalukuyang suliranin ng Palasyong Lin ay hindi maganda, kahit na si Mo Xuan Fei ay personal na sinira ang pakikipag-ugnayan ay nagpapakita ang kanilang katayuan na hindi matatag. Alam ni Jun Xian wala na siyang maitatagong kahit ano kay Jun Wuxie.
BINABASA MO ANG
GENIUS DOCTOR BLACK BELLY MISS (Tagalog Version)
Historical Fiction"TRANSLATE IN TAGALOG" Noong siya ay labing-apat na taong gulang, sa murang edad, Siya ay isang henyong manggagamot na ikinulong ng kanyang lolo, Sinunog niya ang kanyang kulungan kung saan siya nakatira nang higit sa Sampung taon. Ngunit Nang maka...