192: "Pag-bukas ng Kabaong (1/5)

70 7 0
                                    

Nang dumating si Jun Wu Xie sa silid-aralan, wala na sina Jun Xian at Jun Qing. Pati sina Long Qi at isang pangkat ng mga kawal ay nawawala rin. Pumunta si Jun Wu Xie kay Tito Fu, at nalaman niya mula dito na nagpasya sina Jun Xian at Jun Qing na protektahan ang kaligtasan ng Pamilya Jun, at agad silang umalis patungo sa puntod ni Jun Gu.

Malinaw na ang kanyang mga intensyon.

"Tara na!" Pinagpag ni Jun Wu Xie ang maliit na itim na pusa palabas at nag-palit anyo ito sa kanyang itim na anyong halimaw. Ang bagong natuklasang palamuti na ginto ay umabot mula sa kanyang dibdib hanggang sa isang pangbuhok matapos ang pagbabago, na nagbigay dito ng mas marangal at mapang-akit na anyo.

Ang Pamilya Jun ay taun-taon pumupunta sa puntod ni Jun Gu para magdasal at likas na alam ni Jun Wu Xie ang daan patungo rito. Sa ilalim ng madilim na kalangitan, nakaupo si Jun Wu Xie sa itim na halimaw, habang ito ay tumatakbo patungo sa libingan ni Jun Gu.

Ang Pamilya Jun ay hindi yuyuko! At ang libingan ni Jun Gu ay hindi dapat lapastanganin!

Tumakbo ang halimaw palabas ng lungsod, at dinala si Jun Wu Xie patungo sa sementeryo. Marami sa mga inilibing doon ay dati nang nagsilbi bilang mga kawal at opisyal sa ilalim ng pamumuno ng Pamilya Jun. Sila ay mga martir na nag-alay ng kanilang buhay sa laban, at mga tao ng katapangan.

Sinabi ni Jun Xian, ang mga kapatid sa labanan at mga kasama ng Pamilya Jun ay dapat ilibing nang magkasama, upang sila ay manatiling magkasama, kahit sa kabilang buhay.

Nang makarating si Jun Wu Xie sa sementeryo, may dalawang kawal na nakatayo na nakasuot ng uniporme ng Palasyo ng Lin. Nabigla sila nang makita si Jun Wu Xie at ang itim na halimaw na dumaan sa kanila bago pa man makapagbukas ng bibig ang mga kawal upang bumati.

Ang mga naguguluhang kawal ay tumayo nang tuwid na parang kawayan sa paggalang, sa kawalan habang dumaan ang halimaw bago pa sila makapag-salita.

Sa kaloob-looban ng sementeryo, sampung kawal ng Hukbong Rui Lin ang nakatayo sa paligid ng isang puntod, may mga naglalagablab na sulo sa kanilang mga kamay, ang kanilang mga mukha ay puno ng lungkot, ang kanilang mga galaw ay may pag-aatubili.

Pinangunahan ni Long Qi ang isang grupo ng mga lalaki upang hukayin ang libingan ni Jun Gu. Sa bawat pulgadang lupa na kanilang hinuhukay, lalong namumula ang kanilang mga mata.

Nakalibing sa mismong pook na ito, ang Diyos ng Digmaan ng kanilang mga puso. Ang lalaking ito, siya ang pinaka-kilala at iniidolo ng lahat. At ngayon, napipilitan silang lapastanganin ang kanyang libingan gamit ang kanilang sariling mga kamay, binabalam ang kanyang walang hanggang kapahingahan.

Si Jun Xian ay nakatayo sa tabi na may mga mata na nakapikit, hindi makatiis sa tanawin, at si Jun Qing ay nakatayo nang taimtim sa tabi ng kanyang ama.

"Anak ko, para sa kapakanan ng Pamilyang Jun, napipilitan akong magdulot sa iyo ng karagdagang dalamhati sa iyong pahingahan." Si Jun Xian ay nagsalita sa mababang boses, nararamdaman ang labis na kalungkutan.

Ibinaba ni Jun Qing ang kanyang ulo, mahigpit na nakapulupot ang mga kamao.

Bumuhos ang alikabok habang itinaas ang kabaong, tumingin si Jun Xian at napa atras ang kanyang matangkad na katawan ng isang hakbang pabalik.

"Ama! Talaga bang... . ." Si Long Qi, na may mga mata na pinalilibutan ng pula, ay nagtanong kay Jun Xian, na nanginginig ang mga kamay.

Humigop si Jun Xian ng malalim na hininga upang kalmahin ang nag-aalab na damdamin sa loob, at pumikit siya at kinagat ang kanyang mga ngipin. "Buksan!"

Si Wu Xie, upang protektahan ang Pamilya Jun, ay kahit na lumaban sa dating Emperador. Sa bagay na ito, ayaw niyang isangkot ang kawawang bata. Bagaman noong namatay si Jun Gu, napakabata pa ng batang yon. Ngunit ito ay libingan ng kanyang ama, hindi niya kayang ipakita sa bata na ang sariling libingan ng kanyang ama ay nilapastangan at hinukay mula sa kanyang walang hangang pahingahan.

Si Jun Xian at Jun Qing ay umalis kaagad pagkatapos umalis ni Jun Wu Xie sa silid-aralan, at hindi nila balak na sabihin ito sa kanya.

Pinagpag ni Long Qi ang kanyang mga ngipin at itinulak ang mabigat na takip ng kabaong kasama ang mga kawal sa paligid niya.

Ang takip ay umingay nang malakas mula sa paggalaw nang biglang may isang malaking anino na tumalon mula sa dilim.

"Huwag buksan ang kabaong!" Umabot ang boses ni Jun Wu Xie. Tumingala sina Jun Xian at Jun Qing sa tinig at nakita si Jun Wu Xie na nakaupo sa ibabaw ng kahanga-hangang halimaw, ang kanyang mukha ay may halong pag-aalala.

"Wu Xie? Bakit ka nandito?" Si Jun Xian ay mukhang naguguluhan at tumingin kay Jun Qing.

Nahuli ni Jun Qing ang sulyap at lumapit upang pigilan si Jun Wu Xie na magpatuloy pa ng isang hakbang.

"Wu Xie!, Ano'ng ginagawa mo dito!? Bumalik ka na ngayon!" Si Jun Qing ay mahigpit na pinagsabihan si Jun Wu Xie sa kauna-unahang pagkakataon. Ayaw niyang makita niya ang kanyang ama na nilapastangan nang ganun.

GENIUS DOCTOR  BLACK BELLY MISS (Tagalog Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon