Sawang-sawa na ko sa mga babaeng wala ng ibang ginawa kundi ang umasa na may isang lalaki sa buhay nila na babaguhin sila o babaguhin nila.
Mga babaeng masyado ng na-impluwensahan ng mga napapanood at nababasa nila.
Mga babaeng nagsasayang ng oras at luha sa mga nilalang na hinding-hindi naman sila mamahalin.
Why are they still waiting for someone if they can save themselves alone?
Ang engot diba? Parang pinapahaba lang nila ang proseso eh pwede namang sila na lang ang magligtas sa sarili nila.
Masyado silang nabibighani sa ideyang may isang lalaki ang dadating sa buhay nila. Akala nila, ililigtas sila pero ang totoo, ito pa ang mananakit at sisira sa kanila.
Hindi ako bitter, natuto lang ako. Nalamang hindi ko kailangan ng ibang tao — lalong-lalo na ng lalaki — para iligtas ako. Dahil sawang-sawa na 'kong..
Maghintay..
Maiwan at..
Masaktan.
Alam mo kasi, ang mga lalaki, parang droga..
Hindi mo kailangan para mabuhay. Sa una, masarap sa pakiramdam. Akala mo kumpletong-kumpleto ka na pero ang totoo, unti-unti ka na nitong sinisira. Hanggang sa wala ng matira sayo, hanggang sa mapagod ka at magising sa katotohanang dapat mo na itong tigilan. Pero may ibang nagpapaka-martyr. Sige lang ng sige, hanggang sa sila na mismo ang nananakit sa sarili nila.
Ang pag-ibig ay parang sugal. Pagbalik-baliktarin mo man, sa huli ikaw pa rin ang talo, ikaw pa rin ang masasaktan.
And yes, you're right.
I'm Nathalie Alison Dominguez — The Hugot Queen.
BINABASA MO ANG
Saving The Hugot Queen
Teen FictionAll girls are waiting for their Prince Charming to save them.. Until one get tired and saved herself. Meet Nathalie Alison Dominguez- the Hugot Queen. Once a princess who never lose hope that one day her prince will come and will save her..but that...