Hugot #47 ~Holidays

321 9 1
                                    

Nathalie's POV

Tinignan ko ang bag ko at siniguradong wala na akong nakalimutan.

Mahirap kasi kapag nakalimutan mo ang isang bagay. Baka hindi mo na mabalikan.

Tumunog ang telepono ko kaya agad ko iyong sinagot.

|Good morning, My Queen.|

Napakagat ako ng labi dahil sa boses ni Axton. Halatang kakagising lang niya.

"Magandang umaga."

|Puntahan kita sa unit ha?|

Umupo ako sa kama at iniipit sa tenga at balikat ang phone ko habang nagsi-sintas ako ng sapatos.

"December 23 ngayon. Nakalimutan mo na? Ang bilis mo namang makalimot."

|Ay, sh*t. Ngayon na pala yun.|

Umirap ako sa hangin.

"Ilang beses ko bang sasabihing wag kang mag-mura?"

|Sorry, my Queen. Ngayon na lang naman. Pag nagka-anak na tayo, hindi na talaga ako magmumura. Promise.|

Nahulog sa tenga ang phone ko. Mabuti na lang at nasalo ko at ibinalik ko kaagad iyon sa posisyon nito kanina. Bahagya ring nag-init ang pisnge ko.

Ano ba naman kasi 'tong si Axton! Ang advance mag-isip!

|Gusto mo bang samahan kita?|

Titira kasi ako ng tatlong araw kina Papa. Ngayon lang naman siya humiling ng ganito kaya pagbibigyan ko na.

"Hindi na. Tsaka susunod naman kayo nina Tita bukas diba?"

Napag-usapan din kasi na sama-samang sasalubungin ng mga Hamilton at Smith ang pasko.

|Yup. Sure ka ha? Kapag may ginawa sayo ang Leila na yun, sabihin mo lang sakin.|

"Pero hindi nga natin alam kung masama nga talaga siya."

Eh kasi naman, ilang beses na rin akong pumunta sa bahay nila. Mabait naman siya sakin. Minsan nga natatawag pa niya akong anak. Wala rin kaming kahit na anong makitang mali sa kanya sa pag-iimbestiga namin. Pero sabagay, hindi pa rin ako komportable sa kanya.

Napapa-isip tuloy ako. Hindi kaya mali si Tatay?

|Tss. Wag kang masyadong magtiwala sa kanya. Sasabihin ko na nga pala kina Mama ang lahat. Baka matulungan nila tayo.|

"Diba dapat sabay nating gawin yan?"

|This is the perfect timing, Nathalie. Tsaka kapag nalaman ni Leila na kinausap natin si Mama ng magkasama, baka maghinala siya.|

Tumango na lang ako kahit hindi naman niya ako nakikita. Nakarinig ako ng pagdo-door bell kaya tumayo na ako at isinukbit sa likuran ko ang backpack ko.

"Aalis na ako, Axton. Nandiyan na ata ang sundo ko."

|F*ck. I want to come with you now.|

"Minsan kailangan din nating maghiwalay. Tsaka kung sasama ka, paano mo masasabi kina Tita? Kaya ko 'toh."

Nag-buntong hininga siya sa kabilang linya.

|Okay. But be extra careful. Wag kang basta iinom o kakain ng mga ibibigay niya. Be alert. Tsaka pag natulog ka, half sleep lang. Baka may kung ano siyang gawin sayo.|

Natawa ako ng bahagya.

"Kaya ko na po 'toh. Tatawagan kita palagi."

|There. Better. Sige na. Baka hinihintay ka na ni Tito Reynald. I love you.|

Saving The Hugot QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon