Hugot #28 ~Confession

411 16 4
                                    

Nathalie's POV

Tumakbo ako palapit sa hotel hanggang sa makapasok ako sa kwarto namin. Sumandal agad ako sa pinto. Idinikit ko ang noo ko sa tuhod ko at huminga.

"Nathalie? Nathalie, open the door!"

Napaangat ako ng ulo. Nasa kabilang pinto sila.

"Nathalie, are you there?"

"Open the door, Nathalie."

"Uy, Nath! Grabe ka naman kiligin! Ang layo ng tinakbo mo ah!"

"Maggy!"

Saglit na nanahimik sa kabilang pinto bago ulit may nagsalita.

"Nathalie, buksan mo yung pinto. Kami lang naman ang nandito. Wala yung mga lalaki."

"Buksan mo na. Okay lang naman kung tumakbo ka dahil sa hindi mo gusto si Ax—"

"Hindi!"

Gulat silang napatingin sakin matapos kong buksan ang pinto.

"H-Ha?"

Hinila ko si Maggy papasok at sumunod naman sina Kirsten at Missy. Isinara ko ulit ang pinto at sumandal dito.

"What do you mean, Nathalie?"

Napatingin ako kay Missy. Isinandal ko ang ulo ko sa pinto.

"Hindi totoong tumakbo ako kasi hindi ko siya gusto."

"What?! Kyaaaah!"

"So gusto mo rin siya?"

"Oh my gosh! Mahal mo na?"

"Ha?! Oo! Ay hindi! E-Ewan! Hindi ko alam!"

"Oh my gosh!"

Kilig na kilig silang tatlo habang ako namomroblema rito.

"Eh bakit ka tumakbo, Girl? Chance mo na yung magka-lovelife oh!"

Tumingin ako kay Maggy.

"Hindi ko maintindihan. Kapag ba sinabihan kang ganun ng isang lalaki.. Ibig sabihin, g-gusto ka niya?"

"Ay, jusko po naman! Manhid talaga! Nakakaloka!"

"A big yes, Nathalie!"

"And correction, he doesn't like you. He loves you!"

Napatingin ako sa sahig.

"Pero siya mismo ang nagsabi... May iba siyang gusto."

"Nathalie naman! Lasing siya! Malay ba niya kung sino yung kinakausap niya diba?"

Napatingin ako kay Maggy.

"Natatakot ako."

"Nathalie, you'll just give Axton a chance. What's wrong with that?"

Nag-indian seat sa tapat ko si Kirsten.

"Natatakot ako. Pano kung.. Kung lokohin niya lang ako? Iwan? Or baka naman flavor of the month niya lang ako? Or—"

"Girl, alam kong wala ka talagang pakielam sa mga heartthrobs ng school pero yung feeling na parang wala ka talagang alam na kahit ano tungkol sa kanila? Nakakaloka! Hindi ka ba na-informed na NGSB si Axton? Na siya ang Cold King? Walang pinapansing babae? Literally dated Ashley Montana for one month? Duh!"

Inirapan ako ni Maggy kaya napabuntong-hininga na lang ako. Si Missy naman ang umupo sa tapat ko.

"Nathalie, alam kong nakakatakot talaga pero kung habang buhay kang matatakot, ano na ang mangyayare sayo?"

Saving The Hugot QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon