Nathalie's POV
From: Axton
Thank you. I don't know how you can make me feel better after all those sh*ts. I don't know how to do it to myself so please stay with me always. Have a good morning, my Queen.
Napangiti ako sa bumungad na text sakin. Kagabi niya pa ito sinend pero ngayon ko lang nabasa.
Lumabas ako ng kwarto at napakagat ako sa labi ko nang mahagip ng mata ko ang kabilang silid.
Oo, dito kami dumiretso sa condo at dito rin siya natulog.
Siguro naman tulog siya diba? Hindi ko lang mapigilan ang sarili ko.
Dahan-dahan akong lumapit sa pinto at maingat iyong binuksan. Nababalutan siya ng kumot pero kita ko ang mukha niya.
Ang peaceful niyang matulog.
Isinara ko na ulit ang pinto bago pa siya magising. Dumiretso ako sa kusina at naghanda ng agahan namin.
~*~*~
"Dito na lang kaya ako laging matulog?"
Nanlaki ang mga mata ko kay Axton na nasa harap ko ngayon at busy sa pagkain ng almusal.
"B-Bakit naman?"
"Ang sarap ng almusal eh. Mas masarap pa 'toh sa luto ng chef namin."
Napailing na lang ako habang natatawa.
"Maliligo muna ako ha? Pagkatapos ko na lang tsaka ko ililigpit ang mga iyan."
Tumayo na ako at malalagpasan ko na sana siya nang bigla niyang hawakan ang kamay ko para pigilan ako.
Jusko. Parang biglang may kuryenteng dumaloy mula sa mga kamay niya. May naramdaman akong kakaiba sa tiyan ko.
Ayoko na. Nakakabaliw pala ang ma-in love.
"Take your time. Ako na ang bahala sa mga pinggan."
"Sigurado ka?"
"Yup!"
"O-Okay."
Umalis na ako kaagad doon bago pa ako atakihin sa puso. Mabilis lang akong naligo kaya lang hindi pala ako nakakuha ng damit. Lumbas ako sa banyo nang naka-tuwalya lang. Dito na rin siguro ako magbibihis.
"Nathalie—"
"Aaaaah!"
Naisara ko kaagad ang pinto at muntik pang maipit ang ulo ni Axton. Jusko! Naka-tuwalya lang ako! Bakit ba kasi bigla-bigla siyang sumisilip?!
"S-Sorry..a-ano.. Pa..Papaalam l-lang sana ako na ano.. Na may dadaanan. B-Balik din ako kaagad. S-Sabay na.. T-Tayong pumununta s-sa MU."
Huminga ako ng malalim. Ayokong mautal-utal gaya niya. Kunyari 'di ako apektado!
"S-Sige."
Napasapo na lang ako sa noo ko. Minsan talaga kahit alam na natin kung ano ang tama hindi pa rin natin mapigilan ang sarili natin na gawin ang mali.
Nagbihis na ako kaagad at pagkalabas ko ay pumunta ako sa kusina. Nakahugas na ang mga plato.
Aba. Marunong pala siya?
Nag-vibrate ang phone ko kaya agad ko iyong kinuha sa bulsa ko.
From: Axton
Meet me at the parking lot.
BINABASA MO ANG
Saving The Hugot Queen
Teen FictionAll girls are waiting for their Prince Charming to save them.. Until one get tired and saved herself. Meet Nathalie Alison Dominguez- the Hugot Queen. Once a princess who never lose hope that one day her prince will come and will save her..but that...