Nathalie's POV
Ala-una na ng madaling araw pero hindi pa rin ako makatulog.
Sinubukan kong magpinta. Naka-dalawang canvass ako! Yung isa, mayroong lalaking nakayakap sa isang babae habang yung isa naman, nakasandal ang babae sa lalaki habang nanunuod ng sunset.
Alam ko kung anong ginuhit ko pero yun lang talaga ang naiisip ko at hindi ko alam kung bakit.
Sinubukan ko ring kumanta para makatulog ako pero hindi ako makakanta ng sad songs. Ibig kong sabihin, oo nakakakanta ako pero walang emosyon.
Ganun ba ako kasaya ngayon na pati pagkanta ko naapektuhan na?
Humiga ako sa kama tsaka ako kumuha ng unan at impit na tumili. Tinanggal ko ang unan sa mukha ko tsaka tumingin sa kisame.
"Bakit? Nako, Nathalie! Ano bang nangyayare sayo?"
Kanina.. Kanina lang ulit ako umiyak ng ganoon at madalas kapag kino-comfort ako, lalo akong napapaiyak. Pero kanina, sobrang gaan sa pakiramdam. Ganun ba talaga ang epekto ng isang Axton Smith? Yun ba ang dahilan kung bakit madaming nagkakagusto sa kanya?
O baka ako lang ang nag-iisip na epekto niya lang talaga yun?
Teka, ano raw?
"Aaaaah! Nababaliw na ako!"
Umupo ako tsaka hinablot ang telepono ko. May load pa ba ako? Kailangan ko talaga ng tulong ni Maggy.
Pero bago ko pa mai-send ang text ko ay narinig ko ang tunog ng doorbell.
Bisita? Ng ganitong oras? Di kaya..
Imbes na sa pinto ay sa banyo ako dumiretso. Naghilamos ako, sinuklay ang buhok gamit ang kamay at nagmumog tsaka ko tinitigan ang sarili ko sa salamin.
Bakit ba ako nag-aabala ng ganito? Eh ano kung si Axton yun? Eh ni hindi ko pa nga talaga nasisigurado kung siya nga yan eh!
Baka mamaya umasa na naman ako.
May narinig akong ingay. Hindi ko masyadong maintindihan dahil sa sound-proof ang unit ni Axton. Lumabas na lang ako. Nang aabutin ko na ang doorknob ay bigla akong napatigil. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Huminga ako ng malalim tsaka pinihit ang door knob.
~*~*~
Axton's POV
"Hmm..hmm.."
Hindi mawala ang ngiti sa mga labi ko. I'm even humming a song while driving. Kung nandito lang ang mga kaibigan ko, for sure kinuyog na nila ako dahil minsan lang akong kumanta. I love music. I also like singing...before. Si Sapphire kasi ang unang nakarinig ng pagkanta ko kaya nang mamatay siya, nawalan na rin ako ng gana.
Pero nagugustuhan ko na ulit ito. Thanks to Nathalie.
Simula nang dumating siya, sobrang dami ng nagbago. Dati ni hindi ko mabanggit na patay na si Sapphire pero ngayon, medyo kaya na. Masakit pa rin, pero hindi na tulad ng dati.
At kay Nathalie ko lang din naramdaman na masaya palang iyakan. I mean, yung ikaw yung magco-comfort? I'm not really good at it pero nung nagawa ko sa kanya, sobrang saya.
And the thought that she's trusting me enough to let me see her cry is making me feel so special.
Kumunot ang noo ko nang makapag-park ako sa garahe namin at makakita ng isang hindi pamilyar na sasakyan. My smile faded when I saw their visitors.
BINABASA MO ANG
Saving The Hugot Queen
Roman pour AdolescentsAll girls are waiting for their Prince Charming to save them.. Until one get tired and saved herself. Meet Nathalie Alison Dominguez- the Hugot Queen. Once a princess who never lose hope that one day her prince will come and will save her..but that...