Hugot #53 ~ Evidences

257 11 1
                                    

Nathalie's POV

Unti-unti kong minulat ang mga mata ko. Isang puting kisame ang bumungad sakin. Sinubukan kong umupo tsaka ko nilibot ang paningin ko sa paligid.

May basket ng mga prutas sa tabi ko at sa kabila naman ay mga bulaklak.

At nakaupo sa tabi ng kama ko si Axton. Nakahiga ang ulo niya sa tabi ko at nakahawak ang kamay niya sa kamay ko.

Hindi ko maiwasang hindi mapangiti.

"Nathalie!"

Napalingon ako sa may pintuan nang merong malakas na nagbukas nito. Medyo nagising na rin ata si Axton.

"Anak! Oh my gosh!"

"Sapphire! You're awake!"

"Naku! Salamat sa Diyos!"

"I'll call the doctors."

"Nathalie girl! Siomai! Akala ko mawawala ka na!"

"My gosh! Bakit ngayon ka lang gumising?!"

"Sorry, Nath! Sorry!"

"I'm glad you're awake now!"

"Sinapak ako ni Axton nung wala ka!"

"Finally, nagising na rin siya!"

"Sandali nga! Mas magulo pa kayo sa relasyon ng dalawang taong pinagtagpo pero hindi para sa isa't isa!"

Natahimik naman sila at natigilan sa pagkuyog sakin. Sabay-sabay silang natawa.

"Are you really okay now, my Queen?"

Bigla akong napatingin kay Axton.

Isang araw lang naman kaming hindi nagkita pero bakit miss na miss ko na siya?

"Ehem! Nandito ang mga magulang! Ehem!"

Napatingin kami kay Papa at Tito Armand. Natawa kaming lahat sa kanila.

May ilang doctors and nurses na pumasok at chineck ako. Kung ano-anong tanong nila sakin gaya ng ayos lang ba talaga ako, may iba pa ba akong nararamdaman, nakita ko ba ang mga dumukot sakin at kung ano-ano pa. May dumating ding mga pulis para kunin ang statement ko.

Hindi ko nakita ang mga mukha nila pero pamilyar sakin ang boses. Sigurado akong ang mga yun din ang dumukot sa amin ni Axton noon.

Sinabi ko ang lahat ng nangyare maliban sa isang detalye. Hindi ko sinabi ang mga narinig kong pangalan.

L at Ar.

Sa tingin ko'y nakaharap ko rin kung sinoman ang Ar na yun, naka-blindfold nga lang ako.

"Bw*set. Nakuha na natin ang tagapagmana ng mga Hamilton, ano pa bang gusto niya? Pwede niya ng kunin ang pera ng mga yun pero ayaw niya pa rin! F*ck this life! Gusto niya talagang maghigante!"

Nailing ko ang ulo ko nang maalala ko ang sinabe niya.

"You're not saying something."

Napatingin ako kay Axton. Siya na lang ang nasa kwarto. Ilang oras din ang lumipas bago sila nag-alisan. Kumuha ng mga damit ko sina Mama at Papa.

At hindi ko nakita si Leila.

"Nasaan si Leila?"

Saving The Hugot QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon