Hugot #57 ~ Believed

307 6 1
                                    

Axton's POV

Gabi na pero wala pa ring gustong matulog. Lahat kami ay busy pa rin sa pagpaplano. Sinisigurong walang butas ang lahat. Hinayaan na kami ng mga pulis na makisali sa pagpaplano thanks to Tito Reynald na nangumbinse sa kanila. Sina Tristan ay narito pa rin. Dito na muna sila matutulog at bukas na lang aalis para pumasok sa school.

Napatigil kaming lahat nang mag ring ang phone ko. Napatulala ako tsaka ako napatingin sa kanila.

Agad nilang kinabit ang phone ko sa tracking device. Sinagot ko na ang tawag. Kabado ako dahil hindi ko alam kung anong sasabihin. Ni hindi man lang ako na-orient.

|Hi, Axton. Balita ko tumakas ka raw ah?|

"D*mn you, Leila."

Hinigpitan ni Mom ang pagkakahawak niya sa kamay ko. Malakas na tawa ang narinig namin sa kabilang linya.

|Ano ngayon ang pakiramdam na naniwala sila sa isang kasinungalingan?|

Napatingin ako kay Tito Reynald. Alam ko na agad ang ibig sabihin ng tigin niya. He wants to apologize.

"You know how does it feel? Comforting. Dahil alam kong lahat ng kasinungalingan, nabubuko."

|Pero kailan pa? Kapag patay na si Nathalie?|

Hindi na ako nakapagpigil. Halos mapatid ang leeg ko sa pagsigaw sa kanya.

"F*ck you, Leila! Don't you ever lay your f*cking hand to my Queen!"

Lumapit sa likuran ko sina Brent at Leo para pigilan ako. Kung wala sila baka nabasag ko na ang phone ko sa sobrang inis. Naramdaman ko naman ang pagta-tap ni Tristan sa likuran ko para pakalmahin ako.

|Ha-ha! But I can, Axton. Anytime. Unless, makuha mo siya rito.|

Nanunukso ang boses ni Leila. Napayukom muli ang kamao ko. Sumenyas sakin ang pulis.

No matter how I want to end this conversation, I need to continue.

Isa pa, umaasa akong makausap ko pa si Nathalie.

"Tell me how."

|Oh, oh. Hindi yun ganung kadali. May bayad ang pag-visit.|

Napatingin ako sa kanila bago ko ibinaling ang tingin ko sa phone.

"How much?"

|Two.|

"Million?"

|Trillion, Axton. Two Trillion.|

Gusto kong manghina. I know we're rich but to get that amount of money in such a short period of time is nearly impossible.

|Deal? Or no deal?|

Tumingin ako sa mga pulis. Sinenyasan nila akong umoo.

"Fine."

|Good. Hindi ka naman siguro tatawag ng pulis, ano? Kasi.. Alam mo na? Baka mahuli ka nila.|

"O-Of course."

Saving The Hugot QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon