Someone's POV
"Mga inutil! Mga wala kayong silbi!"
Pinaghahampas ko sila isa-isa. Mga walang kwenta!
"Sorry Boss. Di naman po namin akalain na makakatakas siya eh."
"Anong sinabi mo?! Ang lalaki ng katawan niyo tapos natakasan pa kayo?! Mga wala kayong kwenta!"
Tinigilan ko na ang panghahampas sa kanila dahil wala na rin naman akong magagawa. Nakatakas na siya. Nakakainis!
"Patawad talaga, Boss. Parang awa niyo na. Wag niyo po akong ipapatay o tanggalan ng trabaho. May pamilya pa po ako."
Lumuhod pa ang isa sa mga inutusan kong kidnappin ang batang iyon sa harap ko. How pathetic. Sa kanya ako pinaka naiinis dahil naabutan pa namin siyang natutulog sa loob ng kwarto habang wala na ang binabantayan niya.
"Stand up! Tinatanong ba kita ha? Paanong nangyari na natakasan ng isang binata ang tatlong lalaking triple ng katawan niya?! Paano?!"
"Pasensya na Boss. Di naman namin akalain na palaban pala yung babae. Ito naman kasi eh!"
Binatukan pa ng isa sa mga inutusan kong lalaki ang taong nakaluhod sa harapan ko.
"Eh di ko naman alam na ganun yun eh. Malay ko bang may tinatago palang tapang ang magandang batang iyon."
Teka. Parang may mali sa mga sinasabi nila.
"Babae?! Eh mga inutil pala talaga kayo eh! Lalaki ang pinakuha ko sa inyo! Lalaki!"
Hindi ko alam kung ano ba ang dahilan ng pag-akyat ng lahat ng dugo ko. Yun bang natakasan sila ng isang babae o ang katotohananng iba ang nakuha nila.
"Boss, kinuha rin po namin yung lalaki. Napilitan kaming kunin din yung babae dahil nakita niya kami."
Napaatras ako sa kinakatayuan ko. Isang matapang na babae ang kasama niya. Lumapit ako sa lagusan kung saan sila lumabas at pinulot mula rito ang kapirasong tela na marahil ay galing sa damit ng babae. Sigurado akong hindi mamahalin ang telang ito.
Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan ng ganito. Inikom ko ang kamao ko na may hawak ng tela. Hindi. Mali ang iniisip ko. Matagal na siyang patay. Imposibleng muli silang nagkita. Imposible.
"Dalhin niyo sakin ang babae. Dead or alive."
~*~*~
Axton's POV
Napailing ako nang matanaw ang ilang sasakyan ng mga pulis sa tapat ng mansyon. Just what I expected.
"Manong, dito na lang."
Iniabot ko sa taxi driver ang isang libong piso at di na naghintay sa sukli nito. Bumaba na ako at pumasok sa gate ng mansyon. Mabuti na lang at hindi na nagtanong ang guard namin sa kung anong nangyare sa akin. I'm already d*mn tired.
"Oh my gosh! My baby!"
I rolled my eyes at my mother. Niyakap niya ako at tinawag ng ganun sa harap ng ilang pulis, ng tatay ko at ng mga kaibigan ko. Aarghh. Nakakahiya 'toh.
"Mom, please. I'm tired."
Tatalikod na sana ako para umakyat sa kwarto ko nang marinig ko ang boses niya.
"Stop there, young man. Where have you been? We're all looking for you. You always make us worried."
Humarap ulit ako sa kanila and sighed.
"Sent them home. I'm fine. I just want to take a rest. Bukas na lang tayo magkuwentuhan."
Tumango naman ang tatay ko sa mga pulis kaya lumabas na ang mga ito. Pagkalabas na pagkalabas nila ay nagtakbuhan sa akin ang mga loko-loko kong kaibigan.
BINABASA MO ANG
Saving The Hugot Queen
Teen FictionAll girls are waiting for their Prince Charming to save them.. Until one get tired and saved herself. Meet Nathalie Alison Dominguez- the Hugot Queen. Once a princess who never lose hope that one day her prince will come and will save her..but that...