Nathalie's POV
Sobrang sarap sa pakiramdam na nakalabas na rin ako ng ospital. Hanggang ngayon naaalala ko pa rin ang mga tawanan namin kagabi. Sayang wala si Maggy. Lagot sakin ang loka-lokang yun.
Ang pinag-aalala ko lang ay si Axton. Ngumingiti siya, tumatawa pero parang may iniisip siya. Parang lumilipad ang utak niya.
Naisip ko tuloy, iniisip kaya niya yung teorya niya na baka sinadya yung aksidente?
Bigla kong narinig ang phone ko na mukhang may nag-text. Buti na lang nakuha nila Ma'am Rafaella lahat ng gamit ko.
From: Axton
Gising na, my Queen. Masama ba ang pakiramdam mo? Gusto mo na bang pumasok? Just call me and I'll pick you up.
Napangiti ako tsaka ako nag-type ng reply sa kanya.
To: Axton
Good morning! Papasok ako.
Wala pang ilang segundo ay may reply na agad siya. Aba. Ano 'toh? Nakadikit ang telepono sa kamay?
From: Axton
F*cking sh*t! Ngayon ka lang nag-reply sa lahat ng good morning messages ko! Nakakakilig!
Halos mapahagalpak ako ng tawa sa reply niya. Kagat-labi akong nag-type para pigilan ang ngiti ko.
To: Axton
Ngayon lang ako nagka-load. Ha-ha! Biro lang. Wag ka ngang mag-mura!
Ilang segundo palang ay nag-reply na agad siya.
From: Axton
Okay. 'Di na ako magmumura. Magmamahal na lang. :))
Napailing na lang ako. Hindi ko na siya ni-reply-an dahil baka hindi na kami matapos sa pag-uusap.
Maga-almusal pa ba ako? Busog na ata ako sa kilig.
~*~*~
Nasa may canteen ako habang hinihintay ang tapos ng klase nina Axton. Ihahatid niya raw ako sa may Blue Moon eh. Biyernes kasi ngayon.
"Girl! Buti naman okay ka na!"
Agad akong niyakap ni Maggy na hindi ko alam kung saan nanggaling. Bahagya pa niyang natamaan ang sugat ko sa noo na tinatakpan lang ng gasa.
"Aray."
"Ano? Okay ka na ba?"
Umupo siya sa harap ko at pabiro ko siyang inirapan habang hawak ko ang noo ko.
"Tignan mo 'toh. Napaka-manhid mo noh? Nasaktan mo na nga ako 'di mo pa alam."
"Ha? Ay, sorry!"
Napailing na lang ako sa kanya.
"Bakit hindi mo ako dinalaw ha? Tapos 'di ka rin pumunta sa unit ni Axton kagabi."
"Sorry na. May problema sa love life ang best friend mo eh."
"Ha? May problema ka sa love life? May love life ka pala?"
"Nathalie naman eh!"
Tinawanan ko lang siya bago ako nagseryoso at hinintay siyang magsalita.
"Si Christian kasi.. Habang magkasama kami sa mall nung isang araw, may nakasalubong kaming old friend niya. Napagkamalan kaming mag-jowa. Alam mo yung masakit? Sabi niya, kaibigan lang ako. Kaibigan lang."
BINABASA MO ANG
Saving The Hugot Queen
Teen FictionAll girls are waiting for their Prince Charming to save them.. Until one get tired and saved herself. Meet Nathalie Alison Dominguez- the Hugot Queen. Once a princess who never lose hope that one day her prince will come and will save her..but that...