Hugot #19~ Sapphire

452 17 3
                                    

Axton's POV

I'm nervous.

Kagabi, naisip ko na gusto ko na talaga siya and that I'm already falling in love with her. And now? I don't know what to do.

Bigla na lang akong kinabahan pagsampa ko ng elevator. Kailan pa ako kinabahang makita siya? Sh*t. I don't know what's happening to me anymore.

The elevator opened kaya wala na akong nagawa kundi ang lumabas. Huminto ako sa tapat ng unit ko.

Okay. So what will I tell her? Uhmm.. Good morning? Nakatulog ka ba ng maayos? Aarghh, no! So typical. Uhmm... Hey what's up? What the h*ll.

Ganito ba talaga kahirap batiin ang taong gusto mo?

"Axton! Anong ginagawa mo diyan?"

Bigla akong napatingin sa magandang babae na nasa harap ko. Sh*t. Don't tell me nakita niya akong inuumpog ang ulo ko sa pader?

"Ahh..w-wala."

"Kanina ka pa ba diyan? Bakit hindi ka kumakatok?"

Because I'm too nervous to talk to you?

"Kasi ano.. Sila ano kasi.."

"Anong ano?"

"Ano.."

Bigla akong napaatras nang idikit niya ang palad niya sa noo ko. Parang may kuryenteng biglang dumaloy sa buong katawan ko.

"May sakit ka ba? Ano ka ng ano eh. Naanuhan na ako sayo ah."

"W-Wala. Uhmm..tara na?"

"Nandiyan na ba sila?"

"Uhmm..about that."

Napahawak ako sa batok ko at kumunot naman ang noo niya.

"Tayong dalawa lang ang matutuloy. Monthsary pala ngayon nila Brent at Kirsten. Si Leo naman pinuntahan si Maggy, and Tristan... Uhmm, kuya duties."

Nag-nod siya. Ini-lock na niya ang unit. Nauna na siyang maglakad kaya sinundan ko na lang siya. Then I noticed something..

Wooah! We're wearing the same shirt! We're both wearing white plain shirt! Yes, it's not a couple shirt pero dahil pareho kami, parang ganun na rin yun!

F*ck this thing called love. I'm getting weirder because of it. But..I like it.

~*~*~

Nathalie's POV

Matapos ang halos isang oras na biyahe ay nag-park na si Axton sa tapat ng isang gusali. Sa sobrang curious ko ay hindi ko na siya hinintay at nauna na akong bumaba ng sasakyan. Agad akong napatingin kay Axton nang makababa na rin siya.

"Anong ginagawa natin dito?"

Nasa tapat kami ngayon ng isang home for the aged.

"May dadalawin lang tayo. Tsaka diba sinabi ko sayo? I'll prove to you that forever do exist. Tsaka para kapag nag-practice na tayo sa banda, may mapaghugutan ka na."

Napatango na lang ako sa sinabi niya. Pumasok na kami sa loob at agad kaming sinalubong ng isang babaeng siguro ay nasa edad sengkwenta na.

"Mr. Smith! Kanina ko pa po kayo hinihintay."

Ngumiti si Axton sa babae. Napatingin ako sa paligid. Maaliwalas ang paligid at malinis. May parang isang counter sa tapat ng glass door nito. Sa kaliwa ay may salamin at kita mo ang mga matatanda sa loob. Ang ilan ay nanonood ng TV habang ang iba naman ay nagco-cross stitch. Lahat sila may kanya-kanyang ginagawa. Yung iba naka-ngiti habang ang iba naman ay seryoso sa mga ginagawa nila. May mga nakapaligid ding mga taong naka-damit na parang pang-caregiver.

Saving The Hugot QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon