Nathalie's POV
Grabe. Nakakapagod ang araw na 'toh.
Nakadagdag pa sa pagod ko ang Axton na yun! Nakakainis! Bakit ko ba yun ginawa sa kanya? Lagot ako nito bukas. Wag naman sanang malaman ni Ashley yun.
Hinigpitan ko ang pagkakayakap ko sa mga gamit ko nang mapatapat ako sa hagdan namin dito sa may dorm. A-Ang dilim sa taas.
"Nathalie? Ngayon ka lang din? Pareho tayong ginabi ah."
Muntik na akong mapatalon sa gulat nang biglang sumulpot si Jessy sa tabi ko. Isa rin siya sa mga ka-dorm ko.
"Ahh..eh..t-traffic kasi."
Nag-nod naman siya. Di pa rin ako masyadong makatingin sa taas. Sobrang dilim. Nakakatakot. Kumakabog din ang dibdib ko sa di ko malamang dahilan.
"Eh bakit nandito ka pa? Di ka ba aakyat?"
Pinilit kong tumingin sa taas tsaka ako napalunok. Umakyat siya ng isang hakbang tapos ay ngumiti siya sakin.
"Tara na? Sabay na tayong umakyat. Nakakatakot kasi pag mag-isa lang lalo na't isang oras na lang hating-gabi na. Creepy!"
"Ahh..s-sige. Kung yun ang gusto mo."
Pero di ko man aminin ay gustong-gusto ko ang ideya niya. Lowbat na rin kasi ang phone ko kaya wala rin akong gagamiting ilaw. Kung di siya dumating ay baka mas piliin ko na lang na rito sa receiving area matulog.
Ginamit niya ang phone niya bilang ilaw namin. Nakahinga ako ng maluwag nang makitang naka-bukas ang ilaw sa kwarto namin.
"Hey girl! San ka galing?"
Napahawak naman ako sa dibdib ko sa sobrang gulat. Tinignan naman ako ni Maggy na parang nawiwirduhan siya sakin tsaka niya tinuloy ang pagpupunas niya ng buhok niya. Mukhang nag-shower ang loka.
"Nakakagulat ka naman! Ngayon alam ko na. Hindi lang pala love ang nakakamatay."
Natawa lang siya sa sinabi ko kaya inilapag ko na lang sa kama ko ang mga gamit ko pati na rin ang backpack ko.
"Ikaw talaga! Super late ka naman atang umuwi ngayon?"
"Traffic."
Sagot ko na lang tsaka ko hinubad ang sapatos ko.
"Kumain ka na?"
Sakto namang kumalam ang sikmura ko. Kanina pa pala ako di kumakain.
"Sabi ko na nga ba eh! Halika na rito. Nagpa-deliver ako kanina kaya lang nagutom na ko kaya inunahan na kita. Haha!"
Napailing na lang ako kay Maggy tsaka ako umupo sa puting monoblock. Kailan kaya matututong magluto ang isang ito?
"Salamat ha? Pag yumaman na ako, babayaran ko lahat ng ginagastos mo sakin."
Natatawa kong sabi. Palagi kasi akong nililibre ng isang 'toh kahit na ayaw ko.
"Di na noh! Best friend nga tayo diba? Tsaka no need dahil tinutulungan mo naman ako sa studies ko. Kung di siguro dahil sayo, malamang highschool pa rin ako hanggang ngayon."
Ngumiti na lang ako sa kanya at nagpasalamat. Habang kumakain ako ay nagla-laptop naman siya. Ilang minuto lang ang lumipas ay natapos na rin akong kumain at ako na rin ang nagligpit ng pinagkainan ko. Matapos kong magbihis ng pang-bahay ay inayos ko na ang mga gamit ko dahil may pasok pa ako bukas.
"Nath, gisingin mo ako ng maaga bukas ah? Uuwi ako samin eh."
Tumingin ako sa kanya. Matutulog na siguro siya dahil inaayos na niya ang kama niya.
BINABASA MO ANG
Saving The Hugot Queen
Teen FictionAll girls are waiting for their Prince Charming to save them.. Until one get tired and saved herself. Meet Nathalie Alison Dominguez- the Hugot Queen. Once a princess who never lose hope that one day her prince will come and will save her..but that...