Hugot #26 ~Fear

359 13 5
                                    

Nathalie's POV

Hindi ako makatulog.

Naiisip ko kasi kung tama ba yung ginawa ko kanina na hinayaan ko si Josef na ihatid ako. Gusto lang daw niyang bumawi bilang kaibigan. Malinaw naman sa kanya na hindi ko talaga siya gusto.

Lumabas ako ng kwarto nang marinig ang door bell. Binuksan ko ang pinto at nagulat ako nang makita sina Leo at Brent na buhat ang magkabilang braso ni Axton habang si Tristan naman ang may hawak ng gamit niya.

"Anong nangyari?"

"Nalasing eh. Nasaan ba ang kwarto niya?"

Umakyat kami sa taas tsaka ko itinuro ang isang kwarto kung saan natutulog si Axton. Sinundan ko sila tsaka ko pinagmasdan si Axton. Pulang-pula ang mukha niya at amoy na amoy ang alak.

"Ikaw na muna ang bahala sa kanya ah? Baka kasi mapagalitan kapag inuwi namin sa bahay niya."

Tumingin ako kay Tristan tsaka ako nagpamewang.

"Eh bakit kasi hinayaan niyo siyang malasing?"

"Ehh.."

Sabay-sabay silang nagkamot ng batok kaya kumunot ang noo ko. Hinila ko ang shirt ni Tristan kaya napalapit ang mukha niya sakin. Lahat sila napatigil. Inamoy ko si Tristan tsaka ko padabog na binitiwan ang shirt niya.

"Amoy alak ka. Pati ikaw nag-inom?"

Namula si Tristan kaya inilipat ko ang tingin ko sa dalawa.

"O lahat kayo?"

Napaiwas sila ng tingin. Umirap ulit ako sa hangin. Ang mga lalaki nga naman. Kayang mabuhay ng walang babae pero hindi kayang mabuhay ng walang alak. Talaga naman oh.

"Dito na kayo magpalipas ng gabi."

"Ha?! Hindi pwede!"

Kumunot ang noo ko dahil kung makasigaw sila, wagas. Bahagyang gumalaw si Axton pero hindi pa rin siya nagising.

"Hindi kami pwede rito! Kasi.. Hahanapin ako ni Tim-Tim!"

"Ano.. Sabi ko kay Kirsten didiretso ako sa bahay after ng bar. Bawal ako rito!"

"Hindi ako pwedeng hindi umuwi dahil may date pa kami ni Missy."

Napatingin kaming lahat kay Leo.

"Seryoso? Pumayag?"

"Huh! Siyempre naman!"

"Nathalie, okay lang kami. Ilang shot lang naman yung nainom namin eh. Kita mo naman, nakarating kami rito ng buhay. Walang mangyayaring masama."

"Ganyan kayo eh. Kung makapagsalita kayo parang alam niyo na ang mga susunod na mangyayari. Parang sa mag-jowa, lakas makapag-sabi ng forever pero bukas makalawa, break na."

"Nathalie, naman. 'Di naman kami ganun noh."

Tinignan ko silang tatlo ng masasama.

"Basta! Dito lang— Hoy!"

Aba! Ang mga loko! Ayun! Nagsitakbuhan na palabas ng unit! Hinabol ko sila pero sobrang bilis nila.

"Hoy! Anong gagawin ko kay Axton?!"

Tumigil sila sa tapat ng elevator habang ako naman nasa may pinto ng unit. 'Di nga siguro gaanong lasing 'tong mga 'toh. 'Di nabunggo eh.

"Alagaan mo! Pagtimpla mo ng kape kapag nagising!"

Saving The Hugot QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon