Nathalie's POV
Dilim.
Lumingon ako. Tumalikod. At muling humarap. Pero kadiliman lang ang nakikita ko. Ayoko rito. Tumakbo ako pero para akong tumatakbo sa kalawakan. Walang kahit na ano kundi kadiliman.
Nasaan ako? Ayoko rito! Parang awa niyo na! Ilayo niyo ako rito!
May bigla na lamang gumuhit na liwanag sa harapan ko kaya saglit akong napapikit. Nakakasilaw ang liwanag pero tinahak ko pa rin ito. Makakalabas na ako sa kadiliman. Sa wakas.
Ano ito? Para akong pumasok sa isang pintuan. Nasa loob ako ng isang bodega. Ano bang nangyayare sakin? Nasa sunog ako kanina diba? Sinagip ko si Tetay at ang ilan sa mga ka-dorm namin. Paano ako napunta rito?
"Tita! Tita, sorry po! Sorry!"
Napaatras ako nang may bigla na lang bumulagta na bata sa harapan ko. Itinulak ito ng taong nasa labas ng pintuan. Naawa ako sa kanya. Masyado pa siyang bata para sa ganito. Lumuhod ako para tulungan siyang tumayo pero napahinto ako dahil sa paghikbi niya. Bakit hindi siya umiyak ng malakas?
Oh, no.
Hindi. Paanong? H-Hindi ko maintindihan. Lumingon ang bata sa taong marahas na nagsara ng pintuan. Hindi ko magawang lingunin ang taong yun dahil nakatitig lamang ako sa bata.
Ako ito. Ako ang bata.
"How many times will I tell you not to touch my things?!"
Napalingon ako sa babaeng nagmamay-ari ng nakakatakot na boses. Tulad ng bata ay nanginginig din ako sa kinaroroonan ko. Sabay pa kaming napaatras. Ako nakatayo habang siya ay nakahiga sa lapag. Hindi ko makita ang itsura ng babae. Blurred ang mukha niya.
"Sorry po. Akala ko..akala ko may gamit dun si Mama. Parang awa niyo na po. Wag po, Tita! Wag po!"
Hindi ko magawang gumalaw nang sabunutan niya ang bata at kaladkarin papunta sa isang aparador na inaagiw na. Patuloy niyang sinisinghalan ang bata at patuloy naman ang bata sa pag-iyak. Kung kanina ay nagpipigil pa ito, ngayon ay hindi na. Maingay ng umiiyak ang bata.
"Mama! Tita, tama na po! GrandPa! Wahh!"
Napapikit ako nang hampasin siya nito ng sinturon na parang walang pakielam at bahala na kung saan na lang tamaan ang bata. Hindi ako ang nilalatigo pero ramdam ko ang sakit at hapdi nito.
"Shut up! Kahit anong gawin mo, hindi na sila babalik! Patay na ang Lolo mo at iniwan ka na ng nanay mo para sa pera. Wala na sila! Wala na! Iniwan ka nila!"
"Hindi po! Hindi. B-Balikan nila ako. Babalikan din ako nila Papa.. Babalikan ako ni King. B-babalikan nila ako."
Nakakaawa siya pero wala akong magawa. Pilit kong tinitignan ang mukha ng babae pero wala akong ibang makita kundi ang buhok niya. Blanko ang mukha niya. Pero ang pagngisi niya nang marinig ang sinabi ng bata, ramdam ko.
Wag!
Napahawak ako sa bibig ko. Bakit? Bakit walang lumabas na sigaw sa bibig ko? Alam kong hindi nila ako narinig. Patuloy na hinampas ng babae ang sinturon sa katawan ng kaawa-awang bata habang wala itong tigil sa pag-iyak. Hanggang sa magsawa ang babae at binuksan ang aparador. Pilit niyang ipinapasok ang bata pero pilit din itong nagpupumiglas.
"Ayoko po! Ayoko po! Tita, please! Papa!"
Tama na!
Wala akong magawa. Wala akong kwenta. Hindi nila ako naririnig. Hindi nila ako nakikita.
BINABASA MO ANG
Saving The Hugot Queen
Teen FictionAll girls are waiting for their Prince Charming to save them.. Until one get tired and saved herself. Meet Nathalie Alison Dominguez- the Hugot Queen. Once a princess who never lose hope that one day her prince will come and will save her..but that...