Hugot #40 ~Christmas Ball

415 11 3
                                    

Nathalie's POV

Sunday ngayon at halos kakagising ko lang. Mabilis lumipas ang mga araw. Bukas na ang start ng University Week kaya bukas na rin ng gabi ang Christmas Ball. Medyo nalilito pa nga ako sa magiging schedule namin sa buong linggo. Ang alam ko lang, wala kaming klase tapos ay sembreak na ang kasunod nun.

Ganun naman talaga ang mga tao, diba? Kung ano lang ang gustong tandaan, yun lang ang tinatandaan.

At oo. Tulad ng relasyon ng mga kabataan ngayon ang schedule namin. Magulo at hindi maintindihan.

Nakarinig ako ng doorbell kaya mabilis akong lumabas sa kwarto at dumiretso sa may pinto. Naka-simpleng sando lang ako at shorts. Pagbukas ko ay sila kaagad ang bumungad sakin.

"Good morning, Nathalie!"

Natawa ako dahil sabay-sabay pa talaga sila.

"Ang aga ah? Pasok kayo."

"No! No! No! Tara na, bilis!"

Bigla na lang hinigit ni Maggy ang kamay ko at hinila ako palabas.

"Hala! Saan tayo pupunta?! Maggy, nakapang-bahay lang ako!"

Napatigil siya at napatingin sakin. Natawa naman sina Kirsten sa inasal ni Maggy.

"Ay, oo nga pala. Hehe! Sorry!"

Pumasok na kami sa may unit. Mabuti na lang pala at maaga akong nakakain ng almusal kanina.

"Saan ba tayo pupunta at excited na excited ka?"

"Shopping!"

Silang tatlo na ang sumagot sa tanong ko. Napakunot ang noo ko.

"Para saan?"

"Para sa Christmas Ball tomorrow night!"

"Pero may dress—"

"Nathalie, formal event yun. You can't wear dress. As in, gown talaga!"

Napatingin ako kay Kirsten. Dati naman kasi nag-dress lang ako. Sabagay, hindi naman ako gaanong nagpakita noon. Binati ko lang si Sir P para ipakitang dumalo ako at nang magka-grade.

"And because we are your girl friends, tutulungan ka na namin! Tsaka mas masaya kaya kapag sabay-sabay tayong namili!"

Base sa sinabi ni Missy, maging sila ay hindi pa nakakabili.

"So go on! Take a bath na! I'm so excited!"

Napailing na lang ako habang natatawa kay Missy. Mabilis akong naligo at matapos kong maghanda ay umalis na kami. Si Kirsten ang nagda-drive at katabi niya si Missy. Kaming dalawa ni Maggy sa likod. Kotse ata ni Kirsten ito.

Buti na lang may idineposit na sa bangko ko si Axton bilang pambayad sa pagpipinta ko sa art exhibit. Nabayaran ko na rin nung isang araw lahat ng utang ko dahil sa pagpapagamot at pagpapalibing noon kay Nanay kaya akin na ang pera ko.

Hayy. Kung nandito si Nanay, malamang isa pa siyang excited sa gagawin namin ngayon.

Nandito na kami sa mall at inisa-isa na naming libutin ang mga store.

Saving The Hugot QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon