Hugot #55 ~ Truth

251 6 0
                                    

Nathalie's POV

Mabigat ang bawat paghinga ko. Pakiramdam ko pawis na pawis ako dahil sa init. Ngalay rin ang likod ko.

Doon ko napagtanto, wala ako sa bahay.

Napadilat agad ako. Nakasuot pa rin sakin ang gown ko. Medyo magulo na ang buhok kong nakakulot pa rin.

Nasa isa akong kwarto. Lalong bumigat ang paghinga ko. Sobrang dilim. Wala akong maaninag na kahit na ano.

Hinawakan ko ang pader gamit ng mga kamay kong nakatali sa isa't isa tsaka ako dahan-dahang tumayo. Sinubukan kong maglakad kahit medyo nanginginig ako dahil sa dilim pero nadapa lang ako. Napatingin ako sa paa ko at napayukom ang kamao ko.

Naka-kadena sa pader ang kanan kong paa. Para akong isang ibong tinanggalan ng kakayahan para makalipad.

Biglang bumukas ang ilaw kaya napatingin ako sa pinto. Ni wala man lang bintana rito.

"Aba! Gising na pala ang prinsesa eh!"

Napasandal ako sa pader nang pumasok ang lalaking kumuha sakin.

Magsasalita palang sana ako nang pumasok ang isang tao sa loob ng kwarto.

"T-Tita L-Leila."

"Hi, Nathalie."

Pilit kong isinisiksik ang sarili ko sa pader pero wala na akong iba pang maatrasan.

"How's your sleep?"

Hindi ako sumagot sa kanya. Nang lumapit siya sakin ay iniiwas ko ang tingin ko sa kanya.

Nakakainis! Alam kong wala akong magagawa rito. Wala pang isang oras mula nang ibinulgar namin siya pero nagawa na niya ito kaagad. Hindi kaya pinlano niya talaga ito?

"Aah!"

Pilit ko siyang titinulak pero halos wala na akong lakas para gawin iyon. Hinawakan niya ng mahigpit ang panga ko at sapilitan akong pinaharap sa kanya.

"Welcome to reality, Princess."

"Bitawan mo ako!"

"And why would I?"

"Matuto kang bumitiw sa isang bagay na ayaw sayo!"

Inipon ko ang lakas ko tsaka ko siya itinulak. Napaupo naman siya at agad siyang tinulungan ng mga tauhan niya na makatayo.

"How dare you?! Itayo niyo yan!"

Nagpumiglas ako sa kanila pero masyado silang malalakas. Itinayo nila ako at mahigpit na hinawakan ang braso ko.

Napapikit ako dahil sa sobrang lakas ng sampal niya. Pakiramdam ko'y pulang-pula na ngayon ang kanan kong pisnge.

"That is for ruinning my life!"

"Hindi ako ang sumira ng buhay mo, Leila. Ikaw!"

Isa na namang sampal ang binigay niya sakin. Lalo akong napapikit dahil sa sakit.

"Ikaw at ang pamilya mo ang sumira ng buhay ko! Eto? Kulang pa ang lahat ng 'toh para sa lahat ng ginawa niyo samin!"

Itinulak niya ako at dahil binitiwan na ako ng mga lalaki ay napaupo ako sa sahig. Napadaing ako dahil sa pagkakatama ng likuran ko sa pader.

"Alam mo? Napaka malas mo. Sana hindi mo na lang nakilala si Axton. Sana hindi mo na lang nakitang muli ang mga Hamilton. Ngayon, ikaw ang magbabayad ng lahat ng kasalanan nila sakin!"

Saving The Hugot QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon