Nathalie's POV
Magkahawak kamay kami habang pinapanuod ang awarding ng Championships. Iba't ibang sports ito na ginanap sa iba't ibang araw at iba't ibang Unibersidad din ang magkakalaban.
Gusto sana ni Axton na manatili na lang kami sa unit pero hindi ako pumayag. Sila ang champion ngayon at siya ang MVP. Hindi pwedeng hindi siya pumunta.
Todo palakpak ako nang ibigay na ang medal at trophy sa kanya sa entablado. Pansamantala kong nakalimutan ang mga problema ko.
Nang makababa siya ay agad ko siyang niyakap. Nang kumalas ako ay mabilis niya akong hinalikan.
"That's my prize."
Napangiti ako sa kanya.
Nagdesisyon kaming magba-barkada na sa canteen na lang tumambay dahil tinatamad na raw silang lumibot sa mga booths. Bumili kami ng pagkain tapos ay pumasok kami sa isang bakanteng room at ini-lock yun.
"Akala ko ba sa canteen tayo?"
Halata ang pagtataka kay Maggy pati na rin sa iba naming kasama.
"Ipapaliwanag lang namin ang problema namin sa inyo."
Umupo kami sa lapag at magkahawak-kamay kami ni Axton. Umupo rin sila at nag-indian seat tulad namin.
"Oo nga. Ano bang problema niyo? Bakit bawal kaming pumunta sa condo niyo?"
Huminga kami ng malalim.
"Guys, Nathalie.. Is Sapphire."
"What?!"
"Wait! Akala ko ba patay na yun?"
"How?"
"Seriously?"
"Ha? Sinong Sapphire?"
Napatingin ang lahat kay Maggy.
"You don't know her? Pero sabagay. Tayo-tayo lang ata ang may alam about the heiress of the Hamiltons."
"Hamilton? Ibig sabihin, mayaman si Nathalie?"
Muli silang tumingin sakin.
"Long story but to cut it short, we found out that Nathalie is Sapphire. Hindi totoong namatay siya."
Nagkatinginan sila.
"Is that even a problem?"
"Oo nga. In favor pa yun sa inyo diba?"
"Why? Ayaw ba sayo ng family ni Nathalie?"
Umiling si Axton.
"May problema kasi nasa panganib ang buhay ko. Sinasabi namin ito sa inyo para maging aware kayo sa nangyayare."
Napanganga sila sa sinabi ko.
"What?!"
"Well, she's a Hanilton at alam naman nating lahat kung gaano kayaman ang family nila."
"Yeah. Don't worry, we're here to protect you. Kaibigan ka namin eh."
Nagkatinginan kami ni Axton at sabay kaming umiling.
"Leila Hamilton is the villain here."
Gaya ng inaasahan ay napanganga silang lahat.
"Diba nga kasi pangalawang asawa siya ni Sir Reynald? Kung wala ako, maaangkin niya lahat ng pera ng mga Hamilton."
BINABASA MO ANG
Saving The Hugot Queen
Teen FictionAll girls are waiting for their Prince Charming to save them.. Until one get tired and saved herself. Meet Nathalie Alison Dominguez- the Hugot Queen. Once a princess who never lose hope that one day her prince will come and will save her..but that...