Hugot #51 ~ Kidnapped

273 9 1
                                    

Nathalie's POV

Magkahawak-kamay kaming naglakad pabalik sa loob ng hotel ni Axton. Gulat na gulat sila nang makita nila kami pero agad din naman silang napangiti, except Leila.

"O-Okay na kayo?"

Tumingin sakin si Axton at ngumiti.

"Of course, Tita. May dapat ba kaming pag-awayan?"

"K-Kasi.. Well, masakit kasi yung ayaw kang pakasalan ng taong gusto mo diba?"

Ngumiti ako kay Leila at parang bigla siyang nanigas.

"Wala naman po akong sinabing hindi ko siya papakasalanan. Hindi pa nga lang po ngayon."

Pinaghila ako ni Axton ng upuan at pinauna akong umupo bago siya.

"Besides, we're still young. There's a right time for everything."

Dahan-dahang sinabi ni Axton ang huling pangungusap na binigkas niya. Napainom ng tubig si Leila kaya pigil na pigil ang tawa namin ni Axton.

"I'm glad the both of you are okay now. Akala ko kasi, mag-aaway kayo eh."

Umiling si Axton kay Papa. Hindi pa rin niya binibitawan ang kamay ko.

"Tito, mahal po namin ang isa't isa.."

Tumingin naman siya ngayon kay Leila.

"At kahit sino pa ang magtangkang paghiwalayin kami ay siguradong hindi magtatagumpay."

Napaangat bigla ng tingin samin si Leila. Nagkaroon ng katahimikan hanggang sa magsalita si Tita Beatrice.

"Oh my gosh! So sweet naman ng baby ko!"

"M-Ma!"

Nagtawanan kaming lahat.

"Hon, hindi na nga naman baby si Axton. And Nathalie too. Malapit na ang birthday mo hindi ba?"

Dahan-dahan akong napatango. Oo nga pala. January na.

~*~*~

"Wahahaha! Laptrip!"

"Serves her right!"

"Kulang pa yun!"

"Pero ang epic talaga ng mukha niya!"

"I know right!"

Nag-apir pa ang barkada habang tatawa-tawa kami ni Axton sa kanila. Nandito kami ngayon sa unit since wala na kaming klase. Pinapanuod nila yung video ni Leila kagabi. Inilagay kasi ni Axton ang phone niya sa bulsa ng coat niya kaya nakuhanan namin ang expression niya.

Oo nga pala. Hindi na ako nagtatrabaho pero scholar pa rin ako. Ayaw na kasi ni Papa at binibigyan na lang niya ako ng allowance. Kahit ang pagkanta ko sa Blue Moon, ayaw niya rin.

Pero sana makakanta pa rin ako kapag bumisita ako roon.

"So ano na ngang plano mo sa birthday mo, Nathalie? 18 ka na!"

Napatingin ako kay Maggy.

"Gusto ko sana simple lang."

"But for sure, Hamiltons will not let your party to be simple."

Napabuntong hininga ako sa sinabi ni Missy. Tama siya eh.

"Tsaka diba doon ka na rin nila ipapakilala? Edi, that'll be surely a big celebration."

Tumango na lang ako.

"Don't worry. We'll be there."

Napangiti ako sa sinabi ni Leo. Nagtawanan kami nang bigla siyang batukan ni Brent.

Saving The Hugot QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon