Hugot #4 ~Fired

510 21 4
                                    

Axton's POV

"Are you sure about this? Kanina pa tayo dito eh."

Naasar kong sabi. Ewan ko ba dito kay Tristan. Kanina pa kami nagmumukhang t*nga dito kakahintay sa wala. Nakadagdag pa tuloy 'toh sa pagka-badtrip ko. Imagine? Kailangan pang may mag-drive sakin papunta dito. Hindi ko man lang mahawakan ang susi ng baby ko! Ano ako? Bata?!

"Oo naman! Sa ganda ng mga drawing niya, imposibleng hindi niya hanapin yan."

Desididong sabi ni Tristan. I rolled my eyes. Ni hindi ko nga alam kung bakit kailangan pa naming magtago dito sa loob ng room na nasa tapat ng Dean's office.

"Kuya! Kuya wait lang!"

Napatingin ulit kami sa labas. Mayroong babae na kumakausap dun sa isa sa mga maintenance dito. I can't see her face dahil nakatalikod siya samin.

"Baka naman po may napansin kayo rito kahapon na sketchpad."

As if on cue ay nagkatinginan kami ni Tristan tsaka ako napatingin sa hawak kong sketchpad. This is hers!

"Sorry. Wala eh."

Nagpasalamat yung babae dun sa Maintenance pero di agad siya naglakad nang parang nag-iisip pa. Oh come on! Lumingon ka na! I can't see your f*cking face!

"Girl!"

Napatingin ako sa pinanggalingan ng matinis na boses. Napatingin ulit ako dun sa babae dahil mukhang yun ang hinahanap niya. Napatingin din dun ang babae kaya naman nakita ko na ang mukha niya.

"F*cking sh*t."

Naisara ko tuloy yung pintuan sa gulat. Sa dinami-dami ng babae sa MU, bakit siya pa?!

"What's your problem, bro? Dapat nilapitan na natin yung babae! Sigurado akong papayag agad yun pag nakita ka."

"B*llsh*t! Siya yun, Tristan! Siya yung nagpahiya sakin kahapon!"

---

Aarghh. Kailan ba matatapos sa pagpipinta ang babaeng 'toh?! Kanina pa ko naghihintay dito. After my class, I immediately looked for her until I found myself waiting for her here in the playground.

But I admit, she's really good. Ang ganda ng painting niya. May mga bata doon na naglalaro at pamilyang nagpi-picnic. Parang 3D pa ang painting that's why it's really cool.

I saw her painting her signature. Kaparehas nun yung signature sa sketchpad. So this is really hers. Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa at agad ko na siyang nilapitan.

"Aray!"

Sh*t.

Natapunan yung sapatos ko ng itim na pintura! Itim! Nakita ko pa ang paglunok niya bago siya tuluyang tumingin sakin. Yumuko ako ng kaunti parang maging ka-level ko ang mukha niya.

"Nage-enjoy ka talagang tapunan ang sapatos ko ng kung ano-ano noh?"

Kahapon, yung isa kong sapatos. Tapos ngayon, ito naman. Iniisa-isa niya bang sirain ang mga paborito kong sapatos?!

"S-Sorry."

Gusto kong matawa sa reaksyon niya at parang biglang nawala ang inis ko. Imbes tuloy na ma-buw*sit ako dahil sa ang lagkit na ng paanan ko ay gusto ko pang matawa sa kanya.

"I'm not accepting apologies, Miss."

Napakurap siya tapos ay sinimulan na niyang pulutin yung mga natapon na paintbrush. Itinayo na rin niya yung lata ng pintura.

Saving The Hugot QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon