Nathalie's POV
Ang sakit ng buo kong katawan pero pinilit kong imulat ang mga mata ko. Ramdam kong nakatagilid ang katawan ko at ang unang nakita ko ay puti. Bigla akong napatayo nang makakita ako ng ilang bahid ng dugo. Kung paano ko iyon nagawa, hindi ko alam.
Nilibot ko ang paningin ko. Sa pagkaka-alala ko, sa jeep ako nakasakay. Bakit mukha akong nasa loob ng isang mamahaling kotse?
Napatingin ako sa harap ko nang mapansing may tela mula roon na may bahid din ng dugo. Umihip ang hangin mula sa basag na bintana kaya bahagyang nagalaw ang tela.
"Aaaaah!"
Umatras ako hanggang sa maramdaman ng likod ko ang pinto.
Duguan. Duguan ako. Yung batang ako.
May ilang basag na salamin ang nakatusok sa kanya at halos mamula siya sa dami ng dugong lumalabas sa katawan niya. Meron din siyang malaking sugat sa noo.
Hindi. I-Ito ba ang araw na nabangga kami ni Tatay?
Tumingin ako sa may driver's seat at isang iyak ang pinakawalan ko. Kitang-kita ko si Tatay na duguan at nakapaling ang ulo sa basag na salamin. Naka-seatbelt siya pero dahil sa mga tumalsik na bubog sa kanya ay madami rin siyang sugat.
Nakarinig ako ng mga ingay. Tila mga nagpapanik na boses. Pero isa ang nangibabaw sa tenga ko.
"Tulong! Please, let's help them!"
Nanay!
Pinilit kong buksan ang pinto at nang magawa ko iyon ay agad akong lumabas. Napaatras ako dahil tila nasa ibang lugar na ako. Lumingon ako sa likod at wala na roon ang kotse.
"My ball!"
Napalingon ako sa isang bata. A-Ako siya.
Nilingon ko ang itinuturo niya at nakita ang bolang gumulong sa gitna ng kalsada. Isang babae ang lumapit doon para ito'y kunin.
"Mama!"
Napatakip ako sa bibig ko nang makita ang palapit na sasakyan. Tila nasemento ang paa roon ng babae at hindi makagalaw. Sa isang iglap ay dumaan ang sasakyan at ni hindi man lang huminto.
Lumapit ako at nakita ko ang babae kanina na umiiyak habang ginigising ang isang katawan ng lalaki na nakadapa sa kalsada at duguan. Blurd ang mukha ng babae kaya laking gulat ko nang itihaya niya ng higa ang lalaki at yakapin ito.
Hindi blurd ang mukha ng lalaki at malinaw ko itong nakikita tulad ng mukha ng bata.
"GrandPa!"
--Bigla akong napabangon. Tinakpan ko ang mukha kong basa ng luha gamit ang mga nanginginig kong palad.
Sa ganoong paraan pala ako iniwan ng taong tinatawag kong GrandPa.
Ngayon, nakakasigurado na ako. Hindi lang basta panaginip o bangungot ang mga iyon kundi mga ala-ala.
"Nathalie? Are you okay?"
Hindi ko namalayang may pumasok pala sa kwartong kinalalagyan ko. Nang tumingin ako sa kanya ay natataranta niya akong nilapitan. I can feel the fast heart beat of my heart when he cupped my face.
"Why are you crying?"
"W-Wala. May..napanaginipan lang."
BINABASA MO ANG
Saving The Hugot Queen
Teen FictionAll girls are waiting for their Prince Charming to save them.. Until one get tired and saved herself. Meet Nathalie Alison Dominguez- the Hugot Queen. Once a princess who never lose hope that one day her prince will come and will save her..but that...