Epilogue

415 17 2
                                    

Ang buhay pala, parang libro.

Boring kung puro saya o sakit. Dapat balanse lang.

Hindi pala pwedeng masaya lang. Palaging may problema. Palaging may susubok sa dalawang bida.

Para sa huli, mas manamnam nila ang tamis ng pagmamahal. O 'di naman kaya ay para may mas matutunan sila.

Siguro nasa atin na lang kung paano ba magtatapos ang istorya.

Open ending?

Tragic?

Sad?

Happy.

"Yan ba ang favorite mo, anak?"

Napalingon ako sa magandang babaeng kumausap sakin. Bahagya akong natawa tsaka ibinalik sa painting ang tingin ko.

Sa painting, may isang napakagandang Ferris wheel. Puro stars ang background dahil gabi ang setting.

"One of my favorites."

Naglakad-lalad ako habang nililibot ang kabuuan ng art exhibit. Kada painting ay pamilyar. Kada guhit ay may nakatagong istorya.

"This is great, 'nak! Hindi ako makapili ng favorite. Ano ba ang pinaka gusto mo rito?"

Napalingon ako sa kaliwa ko. Isang gwapong lalaki naman ang bumungad sa akin.

"Hindi ko rin po alam."

Ang totoo, paborito ko ata ang lahat. Bahagya niyang ginulo ang buhok ko.

"Ikaw talaga! Kunin ko muna ang Mommy mo ha?"

"Sige na, Pa. Kunin mo na siya. Sanay naman akong mag-isa."

Natawa lang sila sakin. Magkahawak-kamay silang naglakad palayo at ibinalik ko naman ang tingin ko sa mga paintings.

Tahimik akong nagmamasid sa bawat paintings kahit may mangilan-ngilang kumakausap sakin nang bigla na lang may umakbay sakin at ginulo ang maayos kong buhok.

"Aray! Maayos na, guguluhin mo pa?!"

"Ha-ha! Ikaw kasi! Kami yung nasa painting, ano?"

Bumitaw na siya sakin kaya natignan ko na siya ng maayos.

"Saang painting ba, Brent?"

"Doon! Tara!"

Hinila niya ako sa isang sulok at bumungad sakin sina Christian, Kirsten at Ashley. Nakatingin sila sa isang painting kung saan may mga magkakaparehang nagsasayaw pero sa iba't ibang direksyon nakaharap.

"Hey, b*tch! How dare you to draw me without my consent? Ang haggard ko pa rito!"

Mabuti na lang at abala ang ibang tao sa pagtingin sa ibang paintings kundi ay naagaw na ni Ashley ang atensyon ng lahat.

"Maganda ka diyan. Hindi mo lang nakikita kasi parati kang nakatingin sa iba."

"Yah. Just like this painting. Ito yung time na nakausap ko si Nathalie at pinayuhan niya ako. Yung mga panahong palagi mo pa akong nababalewala."

Saving The Hugot QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon