Axton's POV
"Josef!"
Hinila ko agad siya bago pa siya makalapit sa lalaking yun at halata ang gulat sa mukha niya nang makita niya ako.
"Bitaw nga!"
Napabitaw ako sa kanya sa gulat at walang nagawa kundi ang hayaan siyang tulungang tumayo yung lalaking yun.
"Ano bang problema mo, Axton?!"
Napakunot ang noo ko.
Problema ko?! He almost kiss her! Binabastos na siya, hindi niya pa alam?!
Or baka naman gusto niya?
Aargh!
"I'm just protecting you from that man! Binabastos ka na eh."
"Woaah! You misunderstood things here, bro."
Binigyan ko ng matalim na tingin si Josef.
"Axton, may sinasabi lang siya. Ano ka ba naman? Bigla-bigla ka na lang nananapak eh."
Inalalayan niyang tumayo ang lalaking yun. Naiyukom ko ang kamao ko.
"Tara, Josef. Gagamutin ko yang labi mo."
"Wait. What? So you're leaving me here?"
"Pagkatapos ng ginawa mo, ano sa tingin mo?"
F*cking sh*t!
So uunahin niya pa si Josef kaysa sakin?!
"Hinanap kita sa kung saan-saan, Nathalie! My head hurts pero hinanap pa rin kita! Tapos ganun na nga yung nadatnan ko, iiwan mo pa ako?!"
She rolled her eyes at ramdam ko ang pagkainis niya sakin.
"Ano bang problema mo, Axton? Sinabi ko na sayo, diba? Wag mo na akong sunduin. Anong hindi malinaw doon?"
Sh*t.
"Ayaw mong sunduin kita kasi makikipagkita ka sa kanya."
"Ha? Axton naman! Nagkita lang kami. Alam mo? Umuwi ka na."
"And now you're pushing me away?"
Napa-face palm siya. What?!
"Axton, wala ng kwenta 'tong usapan natin eh. Ang nonsense na. Please? Umuwi ka na at magpahinga ka."
"F*cking sh*t, Nathalie! Can't you understand me?! I don't want you to come with him! I'm f*cking jealous and I don't want this sh*tty feeling!"
Huli na nang malaman ko kung anong sinabi ko sa kanya.
"Hindi porket nagseselos ka, may karapatan ka nang manapak. At kung magseselos ka, matuto kang lumugar."
Tumalikod na siya at naiwan doon si Josef na saglit ako tinignan at mukhang may gustong sabihin pero sinundan na lang niya si Nathalie.
What the h*ll did happpened?
Napahawak ako sa ulo ko. Pinanood ko sila sa labas na mukhang nagtatalo at itinuturo pa ni Josef ang café sa kamay niya pero mukhang ayaw bumalik ni Nathalie.
Nakakainis!
Lumabas ako ng café at dumiretso sa sasakyan ko. Pumunta ako sa Blue Moon at doon nag-inom.
Nakakainis kasi! Oo, nagseselos ako. Kasi magkasama sila, kasi alam kong minsan nilang nagustuhan ang isa't isa.
Naiinis ako kasi alam kong tama si Nathalie. Nagseselos ako ng wala sa lugar. Nakakainis kasi hindi ko naman alam kung saan nga ba ako dapat lumugar? Wala nga palang kami. Mangliligaw lang ako.
BINABASA MO ANG
Saving The Hugot Queen
Teen FictionAll girls are waiting for their Prince Charming to save them.. Until one get tired and saved herself. Meet Nathalie Alison Dominguez- the Hugot Queen. Once a princess who never lose hope that one day her prince will come and will save her..but that...