December 25, 2006 (10 years ago)
Alison's POV
|What?! Are you okay, Ate?! Nasaan ka?! Pupuntahan ka namin!|
Huminga ako ng malalim.
"Don't worry about me, Anette. Hindi ako yung naaksidente, okay?"
Napatingin ako sa dalawang kamang nasa silid na ito. Parehong mahimbing na natutulog ngayon si Kuyang Pogi at ang magandang bata.
|Eh ano ng plano mo ngayon, Ate?|
"Dito muna ako. Hihintayin ko lang silang magising. Tutuloy na ako diyan kapag okay na sila."
|Gusto mo puntahan ka namin?|
"No. Mag-pasko kayong mag-asawa. Ayos lang ako."
Kinuntsaba ako ng asawa niya na gumawa ng surprise para sa kanya ngayong pasko noong isang araw. Nag-suggest lang ako at siya na ang gumawa ng lahat. Ayokong masira yun dahil lang dito.
Nagpaalam na ako sa kanya at saktong pagkalagay ko ng phone ko sa bag ay unti-unti ng nagising si Kuya. Dali-dali akong pumunta sa kanya.
"S-Sapphire."
"Ayos siya. Wag kang mag-alala."
Tuluyan na niyang naidilat ang mga mata niya at para akong biglang napatigil.
Nilulunod ako ng mga tingin niya.
Bigla siyang napatingin sa gilid niya at nanlambot ata ang mga tuhod ko nang makita ang pagngiti niya nang makita niya ang bata.
"K-Kamusta siya?"
Napayuko ako.
"Ayos lang daw sabi ng doktor kaya lang may.. A-Amnesia raw."
Bigla siyang napatingin sakin.
"Amnesia?"
Tumango-tango ako. Saglit siyang nag-isip tsaka niya ako muling tinignan.
"S-Salamat sa pagtulong m-mo samin.. A-Ano nga palang pangalan mo?"
Napangiti ako.
"Alison."
Biglang bumukas ang pinto kaya sabay kaming napalingon doon.
"Oh! He's all ready awake!"
Lumapit agad sa kanya ang doktor para i-check siya kaya tumabi naman ako. Napakunot ang noo ko nang makitang may dalawang pulis sa labas ng pintuan. Lumabas ako para kausapin sila.
"Ano pong kailangan niyo?"
"Ah, miss. May naireport kasi saming aksidente sa may bangin. Nandito kami para mag-imbestiga. Kaano-ano ka ba ng lalaki?"
Napahinga ako ng malalim. Shems.
"W-Wala. Nakita ko lang siya. Ni hindi ko siya kilala."
Napatango-tango ang isang lalaki habang yung isang pulis naman ay nagsusulat lang sa notebook niya.
"Kung ganoon, testigo ka? Nakita mo ba ang aksidente?"
Tumango ako.
"Nasa likod ako ng sasakyan niya ng mangyare yun. Nag-hazard siya kaya akala ko tatabi siya pero biglang gumewang ang sasakyan niya at nagtuloy-tuloy sa bangin."
"Paano mo siya naligtas?"
"May ilang tao rin ang tumigil at tinulungan ako. Dalawang lalaki at tatlong babae."
BINABASA MO ANG
Saving The Hugot Queen
Teen FictionAll girls are waiting for their Prince Charming to save them.. Until one get tired and saved herself. Meet Nathalie Alison Dominguez- the Hugot Queen. Once a princess who never lose hope that one day her prince will come and will save her..but that...