Hugot #20 ~I'm here

414 16 0
                                    

Nathalie's POV

From: Boss Axton

Where are you? Practice tayo sa theatre ha. Gusto mo sunduin na kita?

Gusto kong matawa sa text ni Axton. Ako? Susunduin? Para namang napakalayo ng building ko sa building ng theatre!

To: Boss Axton

Wag mo na akong sunduin. Papunta na ako.

Inilipat ko sa harap ko ang backpack ko tsaka inilagay ang cellphone ko roon.

"What a great timing!"

Bigla akong napatingin sa harap ko at para akong biglang kinabahan. Napatingin ako sa paligid at halos walang katao-tao sa buong hallway bukod sa amin. Malapit din kami sa pintuan na nasa gilid ng building kaya wala talagang gaanong dumadaan dito dahil lahat sila sa harap na pinto lumalabas.

"Nice to meet you again, Nathalie."

Muli kong naibalik ang tingin ko sa kanya.

Patay ako nito.

"P-President Ashley."

"Oh? Naaalala mo pa pala ako? Eh yung pinagusapan natin, naalala mo pa ba?"

Dahan-dahan akong napaatras nang unti-unti rin siyang lumapit sa akin habang nasa likod naman niya ang mga alipores niya na nakangisi rin.

"H-Hindi ko sinasadya—"

"Liar!"

Hindi ako makagalaw ng sampalin niya ako. Ramdam ko ang matutulis niyang kukong dumampi sa pisnge ko.

"A-Aray! President Ashley, tama na!"

Sobrang higpit ng pagkakahawak niya sa braso ko at pakiramdam ko ay bumabaon na ang mga kuko niya rito.

"Siguro, sinadya mo lahat ng 'toh! Pumayag kang kunin ko ang identity mo para maipahiya mo ako kay Axton! Nilalandi mo kasi silang lahat! Ngayon si Axton, sino ang susunod? Si Tristan?!"

"Hindi! Aarghh! Hindi yan totoo!"

"Go to h*ll, you liar!"

Bigla niya akong hinila at wala na akong nagawa kundi ang mapasunod sa kanya habang panay pa rin ang daing ko. Dinala niya ako sa likod ng building namin kung nasaan ang isang lumang bodega. Binitawan niya ako ng malakas kaya napahiga ako sa lupa. Bigla niyang hinila ang buhok ko para matignan ko ang mukha niya.

"Hindi mo dapat kinakalaban ang isang Ashley Montana. Tandaan mo yan!"

Binitiwan niya ang buhok kong halos matanggal na sa anit ko. Gusto ko nang umiyak pero hindi pwede. Hindi ko dapat ipakita sa kanila na mahina ako.

Sumenyas siya sa mga alipores niya at agad itong nagsilapitan sakin. Bigla nilang kinuha ang backpack ko. Nagmakaawa akong wag na nila itong kunin pero hindi sila nakinig. Hinawakan ulit ni Ashley ang braso ko tsaka ako hinila papunta sa bodega.

"Ashley, please tama na! Please, Ashley!"

"Shut up! Diyan ka nababagay!"

Inihagis niya ako papasok. Pinilit kong tumayo pero huli na dahil naisara na nila ng pinto.

"Ashley, please! Please buksan niyo yung pinto! Parang awa mo na!"

Narinig ko ang mga halakhakan nila sa labas na lalong nakapagparamdam ng takot sakin. Bigla akong napasigaw nang mamatay ang ilaw at mas narinig ko ang mga tawanan nila. Sobrang dilim.

Saving The Hugot QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon