Hugot #41 ~Battle Of The Bands

370 9 1
                                    

Nathalie's POV

Niyakap ko ng mahigpit ang unan ko tsaka ko binaon ang mukha ko roon at impit na tumili.

Jusko! Sasabog na ata ako sa saya!

Hindi ko alam kung nakatulog ba ako o hindi. Parang hindi ako nakakaramdam ng antok.

Biglang nag-ring ang phone ko kaya agad akong gumulong papunta sa gilid ng kama at kinuha iyon sa side table.

From: Axton

'I still can't believe that you are mine now.' I didn't know that this line is really true. Hindi pa rin ako makapaniwala. Sobrang ganda tuloy ng gising ko kasi alam ko na akin ka na. I love you, my Queen.

Jusko. Jusko. Jusko.

Hindi ko na maialis ang ngiti ko sa mukha ko.

To: Axton

Magandang umaga, Axton.

Sinend ko na agad yun. Hindi ko kasi alam kung anong dapat kong sabihin.

"Hala!"

Anong gagawin ko?! Tumatawag siya!

Umupo ako sa kama tsaka ako huminga ng malalim at sinagot ang tawag.

"H-Hello?"

|You were just a dream that I once knew
I never thought I would be right for you|

Napatakip ako sa bibig ko. Jusko! Ang gwapo ng boses! Ngumiti ako at sumabay sa kanya.

"I just can't compare you with anything in this world
You're all I need to be with forevermore"

Pakiramdam ko nakangiti rin siya tulad ko.

|Thank you, Nathalie. Thank you for letting me to be your King.|

Bigla kong naalala si King. Yung batang lalaki sa panaginip ko na palagi kong nakakalaro. Yung batang napanaginipan ko na tumalikod sakin at naglakad palayo.

Binura ko na muna siya sa isip ko.

Simula ngayon, mas pahahalagahan ko na ang kasalukuyan dahil ang nakaraan ay mga ala-ala na lamang.

Kakalimutan ko na ang dapat kalimutan.

"Salamat din kasi sa dami ng babae sa mundo, ako ang naging reyna mo."

Hindi siya sumagot sa sinabi ko at nakarinig ako ng ilang kalabog sa kabilang linya. Kumunot ang noo ko at bahagya akong nag-alala. Tumayo ako at pagkabukas ko ng pinto ay ang nakangiti niyang mukha ang bumungad sakin.

"A-Axton! A-Anong ginagawa mo rito?"

Nanlaki ang mga mata ko ng mabilisan niya akong halikan sa labi at agad ko namang tinakpan ang bibig ko.

Jusko! Hindi pa ako nagto-toothbrush!

"Good morning, my Queen."

Hinampas ko ng mahina ang dibdib niya.

"Hindi pa ako nagto-toothbrush!"

Natawa siya sakin.

"So? Kahit ilang taon ka pang hindi mag-toothbrush, hahalikan pa rin kita. Madali lang namang takpan ang ilong eh."

Saving The Hugot QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon