Hugot #43 ~ The Diary

264 12 1
                                    

Nathalie's POV

Itinulak ko siya tsaka ako tumayo.

"Imposible yang sinasabi niyo! Ako si Nathalie Alison Dominguez! Bakit niyo ba pinapaniwala ang mga sarili niyo sa isang bagay na napaka imposible?!"

Napapatingin na samin ang ilan sa mga customers na nasa loob ng restaurant. Isang senyas lang ni Sir Reynald ay pinaalis na ng mga guard ang lahat ng tao rito.

"Anak—"

"Wag mo kong tawagin niyan!"

Nanginginig ako at ang lakas ng kabog ng puso ko.

Imposible ang sinasabi nila! May sarili akong pamilya at mga magulang!

Huminga ng malalim si Sir Reynald para pakalmahin ang kanyang sarili.

"Nathalie, ibinigay namin ang bracelet na 'toh sa anak ko bilang regalo noong 4th birthday niya. Medyo malaki pa ito sa kanya noong mga panahong yun pero palagi pa rin niyang isinusuot."

Tinignan ko sila. Tumayo na rin si Tita Beatrize at kinuha ang bracelet. Nanginginig siyang tumingin sakin.

"R-Reynald is right. A-Ako mismo ang s-sumama sa kanilang dalawa nang piliin nila ang disenyong ito."

Tumayo na rin si Tito Armand at siya naman ang tumingin sa bracelet.

"I can't understand. Hindi niyo pwedeng basta-basta sabihin kay Nathalie na siya si Sapphire ng dahil lang sa bracelet. What if this is really hers? Madaming ganitong klase ng bracelet."

Sa pagkakataong ito ay si Ma'am Leila naman ang tumingin sa bracelet na yun.

"Look! May naka-engrave na initials! This is definitely Sapphire's bracelet!"

Tumayo si Axton at kinuha ang bracelet para tignan. Tumingin siya sakin tsaka niya inabot ang bracelet. Nanginginig ko itong kinuha at ngayon ko lang napansin ang naka-ukit na initials.

PSH

"Princess Sapphire Hamilton."

Napatingin ako kay Axton na nakayuko. Humawak pa siya sa upuan bilang suporta.

Inihagis ko ang bracelet sa mesa at hindi ko na namalayang umiiyak na pala ako.

"Hindi yan totoo! May mga magulang ako! Kung gusto niyo, samahan ko pa kayo sa puntod nila ngayon eh! Hinding-hindi magagawa nina Nanay na magsinungaling sakin!"

Lumapit ng kaunti sakin si Tita Beatrize at maging siya ay lumuluha na.

"T-Tanda mo pa yung unang araw ng pagkikita natin? Napagkamalan kitang si Ella dahil magkamukha kayo."

Napailing ako.

Hindi. Hindi pwedeng mangyare 'toh.

"This can't be. We need to stop this foolishness."

Hinawakan ni Axton ang kamay ko at akma niya na sana akong hihilahin paalis pero pinigilan siya ni Ma'am Leila.

"And where are you going?!"

Humarap siya sa kanila at kitang-kita ko ang galit sa mga mata niya.

"Sapphire is dead! Kaya pwede ba?! Wag niyong ipilit sa girlfriend ko ang bagay na yan! So what kung nasa kanya ang bracelet ni Sapphire? Maybe she lost that before or baka naman katulad na katulad lang talaga! Stop making false hopes dahil sa bandang dulo, kayo lang din ang masasaktan!"

Hinila na niya ako paalis pero lalabas na sana kami nang biglang magsalita si Ma'am Leila.

"Joseph Dominguez is your father!"

Saving The Hugot QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon