Nathalie's POV
Naalimpungatan ako. Pakiramdam ko ay matagal-tagal akong nakatulog.
Napabangon ako nang maalalang kasama ko si Axton. Pero wala siya rito ngayon sa tabi ko. Sa tingin ko ay nasa iba kaming kwarto ngayon.
Napatayo ako nang mapagmasdan ko ang paligid. Wala akong kahit na anong gapos at wala rin akong makitang daan palabas. Nasa isa ata akong malaking warehouse. May mga nakaharang na mga matataas na kahoy sa magkabila kong gilid.
"Oh! The princess is awake!"
Napatingala ako at pilit hinanap kung saan nagmumula ang boses. Bahagya akong naglakad hanggang sa dulo ng kahoy na nasa harap ko at napaatras ako nang mahati ito sa dalawang magkaibang daan.
N-Nasa isa ba akong maze?
"Oh! And the prince is also awake! Shall we start the game?"
Si Leila yun! Sigurado ako!
Minsan lang ako maging sigurado sa isang bagay kaya panghahawakan ko ito ng husto ngayon. Alam kong si Leila yun. Siya talaga!
"Leila! F*ck you! Ialis mo kami rito!"
Napalingon ako sa kanan ko. Wala akong makitang kahit na sino at hindi ko rin alam kung nasaan ako.
"Axton? Axton!"
"Nathalie!"
"Aww. Mamaya na kayo maghanapan. Sasabihin ko pa kasi ang mechanics ng game eh."
Napatigil ako sa paghahanap kay Axton nang magsalita muli si Leila. Muli akong tumingala at doon ko napansin ang mga nagkalat na speakers sa kisame. Sa tingin ko ay nasa isang kwarto sa taas namin si Leila kaya nakikita niya kami.
"Ganito, okay? Naka-video kayo ngayon para may maibigay naman akong gift sa family niyo."
Napayukom ang kamao ko. Ano bang binabalak niya? Bakit ba niya 'toh ginagawa? Para magnakaw? Para lang maghigante?
May mga tanong talaga tayong hindi na natin mahahanapan ng sagot.
"Ang kailangan niyo lang gawin ay hanapin ang isa't isa within 2 minutes. Kapag nagawa niyo, palalayain ko kayo. Kapag hindi, sorry! Pero mamamatay kayong magkasama. How sweet, right? 'Till death do us part!"
"Tigilan mo na 'toh, Leila! Wala kang mapapala sa mga ginagawa mo!"
Sigaw ko kahit hindi ko alam kung saan ako haharap.
"Shut up, Nathalie! Wala kang alam!"
"Leila, listen! Kung may problema ka, matutulungan ka namin. Ibibigay namin ang kailangan mo just please! Stop this and free us!"
Hinawakan ko ang hem ng gown ko tsaka ako lumakad papasok sa isang daan at nagbabakasakaling makarating kay Axton.
"I'm not an idiot! Ipapakulong niyo lang ako!"
"Hindi rin kami t*nga, Leila! Hindi ako naniniwalang palalayain mo kami pagkatapos nito!"
Napatigil ako nang makarating ako sa hangganan ng daang tinahak ko. Kasunod nito ay ang paghalakhak ni Leila na nagbigay ng kilabot sa buong katawan ko.
"But at least, I'll open the door and you'll have a chance."
"F*cking sh*t, Leila! Just free us!"
"Oopps! Timer starts now!"
Narinig ko ang paulit-ulit na pagmumura ni Axton at pinilit kong sundan ang boses niya. Naglalakad ako, tatakbo, pero hindi ko pa rin siya makita.
BINABASA MO ANG
Saving The Hugot Queen
أدب المراهقينAll girls are waiting for their Prince Charming to save them.. Until one get tired and saved herself. Meet Nathalie Alison Dominguez- the Hugot Queen. Once a princess who never lose hope that one day her prince will come and will save her..but that...