Axton's POV
Muli kong sinuntok ng malakas ang nasa harap ko.
"Josef."
Nakarinig ako ng ingay at nang makita ko na parang may kausap si Nathalie ay nagtago muna ako sa sulok. Pilit pumapasok yung lalaki pero pilit ding sinasara ni Nathalie yung glass door.
"Nathalie, please! Let me explain!"
"Explain? Wala ka namang kailangang ipaliwanag!"
"I came back for you!"
"At kung pwede sana umalis ka na rin sa buhay ko dahil ako, matagal na kitang nakalimutan!"
Naalarma ako nang itulak ng lalaki ng malakas ang glass door kaya napahiga sa sahig si Nathalie. Hinawakan niya ang kamay ni Nathalie tsaka ito pinatayo.
"Ano ba?! Bitawan mo ko!"
"Hinding-hindi na kita bibitawan pa, Nathalie. Sumama ka na sakin."
"Nababaliw ka na ba? Bumitaw ka na kasi wala ka ng mapapawala kung hahawak ka pa! Hindi ako sasama sayo!"
Nang makita kong nasasaktan na si Nathalie ay nagpakita na ako sa kanila. Hinawakan ko ang kabilang kamay ni Nathalie tsaka siya hinila palapit sakin.
"Ano ba?! Mag-uusap kami kaya kung pwede, bitawan mo siya."
Aba. Maangas 'tong lalaking 'toh ah?
"Ayaw ka niyang kausap kaya ikaw ang bumitaw."
Hinila niya palapit sa kanya si Nathalie kaya hinila ko ulit siya pabalik.
"Tama na nga! Bitawan niyo ko dahil nasasaktan na ako!"
Sabay kaming napabitaw nang sumigaw si Nathalie. Humarap siya dun sa lalaki.
"Josef, umalis ka na. Please."
"Pero Nath—"
"Alis."
"Just leave."
Napatingin sakin ang lalaki at tumalim ang mga tingin niya.
"Sino ka ba?! Kanina ka pa nagengealam dito ha!"
Hindi agad ako nakasagot sa tanong niya. Napatingin sakin si Nathalie kaya nagsalita na ako.
"I'm her friend."
"Kaibigan ka lang pala. Ako kasi ex eh."
B*llsh*t.
Seriously?!
Nagulat na lang kami nang bigla siyang sampalin ni Nathalie.
"Ang kapal mo naman para sabihing naging tayo. Sino ba ang nagpaasa't nang-iwan?"
Napaatras yung lalaki at mukhang nasaktan sa sinabi ni Nathalie.
"I know you're still mad at me. Pero hinding-hindi kita susukuan, Nathalie."
Mabuti na lang at lumabas na siya dahil baka ako pa mismo ang kumaladkad sa kanya palabas. Tumalikod na agad ako at inayos yung ibang gamit.
"Umuwi na tayo."
Muli kong sinuntok ng mas malakas ang punching bag na nasa harap ko.
"Bro, ano ba talagang problema? Nagyaya ka rito sa Palestra para lang mag-boxing?"
BINABASA MO ANG
Saving The Hugot Queen
Novela JuvenilAll girls are waiting for their Prince Charming to save them.. Until one get tired and saved herself. Meet Nathalie Alison Dominguez- the Hugot Queen. Once a princess who never lose hope that one day her prince will come and will save her..but that...