Hugot #56 ~ Traitor

255 6 0
                                    

Axton's POV

"Axton? A-Axton!"

Takot siya. Takot na takot siya and she is calling my name.

"B*llsh*t!"

Hinampas ko ang manubela ko tsaka ko idinikit ang ulo ko dun. I cried like a baby. Nakayukom ang mga kamay ko. I'm so glad that I'm inside my car, in a place where no one can see me like this.

I can still hear Nathalie's voice in my head, screaming for help.

She shouted my name, hoping I can find her. But I didn't.

"D*mn, Axton! Ang t*nga-t*nga mo!"

It's been two days simula nang nawala siya. Hindi ko na alam ang gagawin. Ni hindi ako makapasok sa eskwelahan. Ni hindi ko alam kung saan ako pupunta, kung saan ako magsisimula sa paghahanap.

This is your fault, Axton. Kung nakita mo lang agad siya nung gabing iyon. I'm so stupid!

The memories of her being stolen away from me stopped when my cellphone rings.

Wala akong balak sagutin iyan. I don't want to talk to anyone right now. I just want to be alone.

Muli na namang nag-ring ang phone. Inangat ko ang paningin ko. Sinagot ko na ang tawag nang makitang si Mom iyon.

|Baby? Baby, where are you? Please go home. Nag-aalala na kami sayo eh.|

Isinandal ko ang sarili ko sa upuan. I made another woman cry.

|P-Please, Baby? You know how dangerous it is right now, right? Please come home. Please.|

But Nathalie is my home. How can I come to her if she's missing?

|Axton? Anak, please.|

"Sorry."

I can't help but to cry again.

|Baby, I know you're hurt but—|

Nakarinig ako ng ingay. Tila ibinagsak na pinto. Napatayo agad ako ng diretso at naalarma.

"Mom? Mom, are you okay?"

|Where are you, young man?|

"D-Dad."

|Where are you?!|

Napakurap ako dahil sa boses ni Daddy. Parang galit na galit siya.

"S-Somewhere far."

|Then go back here immediately! Go straight to the Hamiltons. We'll see you there.|

Ibinaba na niya ang tawag. Binalewala ko ang galit niyang boses. Pinapapunta niya ako sa mga Hamilton. Ibig sabihin meron ng balita kay Nathalie!

Nagmadali akong mag-drive. Matapos ang ilang minuto ay huminto ako sa loob ng mansion ng mga Hamilton. Nagmadali akong pumasok sa loob.

Saving The Hugot QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon