Nathalie's POV
Nakakapanibago.
Hindi kami magkasama ni Axton ngayon. Ang huling pagkikita namin ay noong gumala kaming magba-barkada.
Akalain mong kalat pala ang lahi ng mga Hamilton? Pinakilala nila ako sa iba't ibang events na ginanap matapos magpasko kaya nga pagkatapos ng pasko ay yung gala na lang ng barkada ang sunod na pagkikita namin ni Axton. Ngayon naman ay siya ang abala sa mga family gatherings.
|Kitakit, girl! Susunduin ako ni Tristan-as!|
Natatawa kong binaba ang tawag ni Maggy sakin. Mula ako sa bahay ng mga Hamilton pero mamaya ay sa unit na ako uuwi dahil magsisimula na ang klase.
"Susunduin ka po ba namin Ma'am Na—"
Napatikom ng bibig si Simon nang makita kung gaano kasama ang tingin ko sa kanya. Natawa naman si Kuya Dan samin.
"Kulit mo kasi, pre. Ano, Nathalie? Susunduin ka ba namin mamaya?"
Napangiti ako kay Kuya Dan. Sinabihan ko na kasi sila na wag na akong tawaging Ma'am at wag na rin akong i-po.
"Hindi na po. Sa tingin ko sabay na kami mamaya ni Axton."
"Naku! Ang swerte siguro ng magiging anak niyo, noh? Hamilton tapos Smith. Jackpot!"
Napaiwas ako ng tingin sa harapan at dama ko rin ang pag-iinit ng pisnge ko.
Anak agad?!
"Uy! Nahiya si Nath oh! Bibig mo naman Simon!"
Tatawa-tawang sabi ni Kuya Dan. Aarghh. Bakit ba parang ang tagal ng biyahe papuntang unibersidad? Inaasar tuloy ako nitong dalawa!
Ang gulo talaga ng isip ng mga tao. Minsan ang gusto ay mabilis na biyahe, minsan naman ay mabagal. Pero gaano man kabilis o kabagal ang biyahe, ang mahalaga ay kung saan ka patungo.
"Bakit? Hindi niyo pa ba napag-uusapan ang mga ganung bagay, Nathalie?"
Lumingon pa sakin si Simon kaya napatingin din ako sa kanya.
Paano naman namin yun mapag-uusapan kung sobrang bigat na kaagad ng problemang kinakaharap namin?
Umiling na lang ako sa kanya.
"Ilang buwan na ba kayo nun?"
Umayos na ng upo si Simon habang nanlaki naman ang mga mata ko.
"Buwan talaga ang tanong, Simon? Hindi na ba talaga uso ang pagbibilang ng taon sa mga kabataan?"
"Bitter ka lang, Kuya Dan! Ha-ha!"
Jusko. Jusko. Jusko.
Napatigil sa pagtawa si Simon nang mapansing nanahimik ako. Lumingon siya sakin at nakakunot na agad ang noo niya.
"May problema ba, Nathalie?"
"Jusko. Nakalimutan ko! Grabe talaga!"
Napatakip ako ng kamay sa mukha ko.
Sa lahat ng makakalimutan ko, yun pa?!
"Ang ano?"
"Monthsary namin ngayon!"
Hanep! January 4 nga pala ngayon!
"Teka, teka. Hindi ka ba niya binati kaninang umaga? Kasi siyempre kung binati ka na niya edi maaalala mo na."
Kinuha ko sa bulsa ko ang telepono ko at binuksan yun. Sa pagkaka-alala ko naman ay sinilip ko ito kaninang umaga.
Wala ring text. Ni tawag.
BINABASA MO ANG
Saving The Hugot Queen
Novela JuvenilAll girls are waiting for their Prince Charming to save them.. Until one get tired and saved herself. Meet Nathalie Alison Dominguez- the Hugot Queen. Once a princess who never lose hope that one day her prince will come and will save her..but that...