Hugot #60 ~End

304 7 0
                                    

Axton's POV

Nakatali sa likuran ko ang mga kamay ko. Nagising akong naka-upo sa isang upuan. Nang tanggalin nila ang takip sa mga mata ko ay siya agad ang bumungad sa akin.

Tama ang hinala ko. Si Leila nga.

Tinignan ko siya ng masama. Hindi pa pala siya kuntento sa lahat ng ginawa niya sa amin. Kung makakaya ko lang gumalaw ay sinugod ko na siya. Ipaparanas ko lahat ng sakit at paghihirap na binigay niya kay Nathalie.

Nakita ko siyang bumuntong hininga. Malalim ang eye-bags niya at medyo namayat din siya pero wala akong pakielam.

"Tanggalin niyo ang takip niya sa bibig."

Surprisingly, she talked clamly. Tahimik ding sinunod ng mga alagad niya ang utos niya.

"B*llsh*t, Leila! Ano pa bang gusto mo?!"

Naramdaman kong muli ang galit. Wala na akong pakielam kung babae siya, gustong-gusto ko na talaga siyang sapakin!

"Bumisita ako kay Nathalie kanina."

Nabalot ako ng galit at pag-aalala.

"H-How could you? Sh*t! What the f*ck did you do to her?! Paano ka nakapunta roon?!"

"Relax. Kung paano ako nakapasok, akin na lang yun. Kung anong ginawa ko sa kanya? Wala."

Tinignan ko siya ng masama.

"I wasn't able to talk to her because she's still asleep. Ikaw na lang ang kakausapin ko."

"Maghanap ka ng ibang kakausap sayo. Yung kasing sama ng ugali mo!"

Hindi niya ako pinansin. Kalmado pa rin siyang nagsalita.

"So what are your thoughts, Axton?"

"Thoughts?"

Nababaliw na ba ang babaeng 'toh?! Ano ito? Counceling? Siya ata ang may kailangan nun!

"Gusto mong malaman kung anong iniisip ko? Ikaw! Ikaw dapat ang nasa ospital! Ikaw dapat ang nasa bingit ng kamatayan! Ikaw dapat because you deserve all of those sh*ts!"

Napaigtad pa siya ng masipa ko ang mesang nasa harap namin.

"Wala kaming ginagawang masama sa inyo! It is not our fault kung hindi mo matanggap ang nangyare sa mga magulang mo noon! Wala kang kwenta! You're just a piece of sh*t seeking for a f*cking revenge!"

Hingal na hingal ako pagkatapos. Tumango-tango siya.

"Okay. Ano pa?"

"Ano pa? Galit na galit ako sayo! Sana ako na lang yung sinaktan mo! Sana ako na lang kasi mas miserable pa ako ngayon! You took my love away from me! You took my life! You took my everything! You made her choose and she chose me! And I f*cking hate it! I hate it, na ako pa yung kailangan niyang iligtas! I hate it, na ako yung inuna niya! I hate it, na wala akong nagawa! I hate it so d*mn much! Tao lang kami! We're just teens. Why are we experiencing these sh*ts?! It's because of you! All because of you!"

I feel so weak but I can't help it. Nakatali ang mga kamay ko kaya hindi ko magawang punasan ang mga luha ko.

"Masaya ka na ba? Na nakaganti ka na? We are all miserable right now. Sana masaya ka na sa mga pinaggagagawa mo. Pero sana talaga, ikaw na lang yung nasa ospital. Sana ikaw yung nagdudusa. Because that is what you deserve."

Nagulat ako nang bigla siyang humagulgol ng iyak.

"Y-You're right. That is what I deserve. To be miserable."

Saving The Hugot QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon