Hugot #37~ True Parents

395 13 2
                                    

Nathalie's POV

Nandito kami sa may Palestra. Malapit na kasing mag-December at kailangan na naming mag-practice para sa battle of the bands. Halos makalimutan na nga namin ang tungkol doon.

"Break muna!"

Napabuntong-hininga ako nang pumasok sina Missy, Kirsten at Maggy rito sa loob ng Music room na nasa loob din ng Palestra. Kanina pa kasi kami nageensayo at ngayon ko lang naramdaman ang gutom.

"Nathalie, bawal uminom ng malamig ha? Kailangan natin yang boses mo."

Tinignan ko si Brent. Kanina pa siya seryoso. Kanina pa nahirit ng break time sina Tristan pero ayaw niya. Halatang problemado. Pansin ko rin na hindi sila nagpapansinan ni Kirsten at parang hindi nila nakikita ang isa't isa.

"Kung kailan mo kailangan, tsaka mo lang ba dapat alagaan?"

Nagulat ako nang bigla siyang lumapit sakin. Sobrang dilim ng awra niya.

"Ginawa ko na ang lahat para alagaan siya. Hindi ko na kasalanan kung 'di niya ako magawang pagkatiwalaan."

Napatulala na lang ako hanggang sa tuluyan siyang makalabas sa music room tsaka namin narinig ang marahas na pagbagsak ng pinto ng locker room.

"Tara! Puntahan natin yung mokong! Problemado eh! Ha-ha!"

Napailing na lang si Axton kay Leo. Talaga naman. Nang-asar pa!

"Let's go. Pero kakausapin natin siya para maresolba ang dapat ayusin, okay? Don't tease him, Leo."

"Aye aye, Sir!"

Sumaludo pa talaga si Axton kay Tristan. Lumabas na sila. Ngumiti sakin si Axton at tumango naman ako sa kanya.

"Ang guwapo ng lalaking seryoso, noh?"

Napalingon ako kay Missy na nakangiti ng pang-asar kay Maggy. Si Kirsten naman ay tahimik lang na kumakain ng humberger.

"H-Ha? Bakit mo sakin sinasabi yan?"

"Naku, Maggy! Kanina ka pa nakatingin sa kanya, ano! So? Anong pinag-usapan niyo kahapon?"

"W-Wala!"

"Ang defensive!"

Tumabi na ako sa kanila tsaka ako uminom ng binili nilang softdrinks at kumain ng fires. Gusto ko rin kasing malaman kung ano nga bang pinag-usapan nila.

"Okay, okay! Umamin lang siya na dahil sakin kaya niya sinuntok si Christian kahapon—"

"Yiiiiie!"

Nag-apir kami ni Missy dahil sabay pa naming inasar si Maggy.

"Kayo talaga! Wag niyo nga yung bigyan ng malisya! Sinabi niyang ginawa niya yun kasi kaibigan niya ako."

Bigla namang napasapo si Missy sa noo niya.

"Hayy, naku. Akala ko pa naman, pag-ibig na."

"Hayaan niyo na si Maggy. Mabuti na yung wala muna siyang love life para 'di siya masaktan."

Napalingon kaming lahat kay Kirsten na nabitin sa ere ang pagsubo ng fries nang bigla namin siyang tignan. Ngayon lang kasi siya nagsalita.

"What?"

"Coming from the girl who was so in love?"

Hindi makapaniwalang sabi ni Missy. Bigla namang nag-smirk si Kirsten.

"Ikaw na ang nagsabi, was. Was means past tense. I don't know that love can be so much painful."

Nagkatinginan kami at agad kaming nagsilipatan ng pwesto at pinalibutan namin siya. Sa may lapag sa tapat niya kami umupo ni Maggy habang si Missy naman ay tumabi sa kanya.

Saving The Hugot QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon