Nathalie's POV
Umalis na agad ako roon pagkatapos pumayag ni Missy na bigyan ng chance si Leo. Chance, as in ligaw muna.
Uso pa pala ang mga dalagang Pilipina. Buti naman.
Mabilis lang lumipas ang buong araw. Pagkalabas ko ng room ng last subject ko ay nagulat ako na naroon si Leo.
"Nathalie, I just want to thank you. For making Missy stay. For saying something to her para pakingan niya ako."
Kumikinang ang mga mata niya. Iba ang mga ngiti ngayon ni Leo. Hindi ngiti na pang-asar kundi ngiting..in love. Akala ko ang mga lalaking totoong mahal, extinct na. Akalain mo yun? May natira pa pala.
"Wala yun. Basta, wag ka ng gumawa ng mga bagay na pagsisisihan mo sa dulo."
Ngumiti siya sakin tapos ay sumaludo.
"Yes, Ma'am! Tara na!"
Hinila niya ang kamay ko kaya muntik na akong masubsob. Napahinto naman siya at doon ko lang napansin ang mga masasamang tingin sakin ng mga babae.
"Una, wag kang hila ng hila ng kamay ng iba. Alam mo na ngang magseselos yung isa, ginagawa mo pa."
Napakamot naman siya sa ulo. Hayy, nako.
"Pangalawa, saan mo ba ako dadalhin at kailangan mo pa akong hilahin?"
"Ah! Pinapasundo ka kasi ni Axton—"
Kusang gumalaw ang mga kamay ko para takpan ang bibig niya. Ramdam ko ang panghahaba ng leeg ng mga nasa paligid kaya ako na ang humila kay Leo palayo.
"Did you hear that? Pinapasundo raw siya ni Axton babe."
"Why? Anong meron sa kanila ng girl na yan?"
"Ohmygee. Nung isang araw, pinakilala siyang kaibigan. Does it mean..Omayghad! Hindi kaya ng brain cells ko ang naiisip ko!"
"Don't tell me may something sa pagitan ni Prince Axton at ng Nobody na yan?"
"Ghad! Mangilabot ka nga!"
Hinila niya ako sa isang corner tapos ay bumulong siya sakin.
"Pinapasundo ka kasi baka raw takasan mo na naman siya. Sabay raw kayo eh. Sh*t. Wag sanang bigyan ng meaning ni Missy 'toh."
"Okay, okay. Puntahan mo na si Missy at unahan mo na ang tsismis. Mas mabuting sayo manggaling ang unang kwento kaysa sa iba na iba naman ang version."
"Pero—"
"Uuwi na kamo ako! Tsaka..ano, may kasabay ako! Si...Si Maggy!"
Hinila ko agad siya at mukhang nagulat naman siya. Hindi niya siguro kami napansin dahil medyo tago kami.
"Siya yung best friend mo diba? Hi, Maggy. I'm Leo."
"H-Hi.."
Tumaas ang kilay ko nang mag-shake hands sila tapos ay ako na mismo ang humablot sa kamay ni Maggy.
"Okay na? Puntahan mo na si Missy!"
"Ay! Oo nga pala. See you again!"
Kumaripas na siya ng takbo kaya humarap na ako kay Maggy at sabay na kaming bumaba ng building.
"Grabe, girl! Big time ka na! Akalain mo yun? Famous mga friends mo! Pakilala mo ko ah?"
"Oo na. Teka nga, anong nangyare sa inyo ni Christian?"
BINABASA MO ANG
Saving The Hugot Queen
Teen FictionAll girls are waiting for their Prince Charming to save them.. Until one get tired and saved herself. Meet Nathalie Alison Dominguez- the Hugot Queen. Once a princess who never lose hope that one day her prince will come and will save her..but that...