Hugot #42 ~Garnet Bracelet

435 14 7
                                    

Nathalie's POV

Wednesday ngayon at papunta kami sa MU para makisali sa University week at i-try yung mga booths na hindi pa namin napupuntahan.

Tsaka championship ng basketball nila ngayon. Ang alam ko, kung sino ang mananalo ngayon ay yun na ang over-all champion.

Napatigin ako kay Axton dahil bigla niyang hinawakan ang kamay ko.

"Axton, dalawang kamay ang ihawak mo sa manubela. Baka maaksidente tayo niyan."

Saglit siyang tumingin sakin at ngumiti bago niya ibinalik ang tingin sa kalasada.

"Can I do this instead to make me feel safe and secured?"

Bahagya niya pang itinaas ang kamay naming magkahawak kaya napangiti ako.

"Sige na nga. Ikaw naman nagda-drive eh."

"Don't worry. Hindi ko ibabangga ang kotseng sinasakyan ng reyna ko."

Huminto ang sasakyan dahil sa stoplight kaya nagawa niyang halikan ang kamay ko. Ngiting-ngiti niyang ipinagpatuloy ang pagda-drive. Napatingon ako sa rear view mirror at nakita kong medyo namumula ang mga pisnge ko.

"Wag mo nga akong sanayin diyan sa ka-sweet-an mo. Baka mamaya, hanap-hanapin ko yan."

"Bakit mo naman hahanapin eh palagi lang naman akong nandito?"

Napangiti ako at napalingon sa bintana.

"Sus. Baka mamaya tulad ka rin ng iba na sweet lang sa simula."

Nagulat ako nang bigla niyang i-park ang sasakyan sa gilid tsaka siya nag-hazard. Tinanggal niya ang seatbelt niya tsaka siya lumingon sakin. Lumapit siya at hinalikan niya ang noo ko.

"Mawala man ang ka-sweet-an ko pero hindi mawala ang pagmamahal ko para sayo. Kaya sanayin mo na yang sarili mo sa kakesuhan ko dahil madami-dami pang hindi natuturo si Brent sakin."

"Madami pa niyan ha?"

Natatawa kong sabi kaya medyo natawa na lang din siya. Umayos na siya ng pagkaka-upo pero nakalingon pa rin siya sakin.
Hinigpitan niya ang hawak sa kamay ko tsaka niya iyon itinaas para ipakita ang singsing na naka-suot sa daliri ko.

"Alam mo ba kung bakit ganyan ang design ng ring na yan?"

Napatingin ako singsing. Unang tingin ko rito ay parang isang pretzel. Gold din ang kulay nito.

"Bakit?"

"Tali kasi yan pero hindi pa nakabuhol kasi hindi pa tayo kasal. I gave it to you hindi lang para ipaalala ang mga pangako ko sayo. Binigay ko yan para ipaalala sayo na hindi ako nangliligaw ng babaeng wala akong balak pakasalan."

Tumingin siya sa mga mata ko at ngumiti kaya napangiti na rin ako.

"Someday, we'll tie our knots together. I can't imagine myself marrying anybody else. Gusto ko ikaw lang. Hanggang dulo."

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya pero sobrang saya ko ngayon. Hinila ko siya palapit sakin tsaka ko dinampi ang labi ko sa labi niya at ngumiti.

"Napapadalas na yang paghalik mo sakin ah. Baka hanap-hanapin ko na yan."

Nakangisi pa talaga siya kaya bahagya akong natawa.

"Edi hanapin mo. Hindi naman 'toh mawawala."

Nagulat ako nang bigla niya akong halikan pero sandali lang.

"Good. Kasi wala akong balak humalik ng ibang labi maliban sa labi mo."

Sinuntok ko na lang siya ng mahina sa balikat kaya natawa siya. Ipinagpatuloy na niya ang pagda-drive.

Saving The Hugot QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon