Nathalie's POV
Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Nangangati na ang mga kamay ko.
Gusto ko siyang yakapin pero nahihiya ako.
Pinili ko na lang na hayaan siya pero nanatili sa gilid ko ang mga kamay ko.
"Uhmm.. H-Hon. She's not Ella. She's Nathalie."
Hinawakan ni Mr. Smith ang braso ng asawa niya para alalayan itong lumayo sa akin. Pinunsan ni Mrs. Smith ang mukha niya para alisin ang mga luha doon tsaka tumingin sakin.
Napatingin ako kay Axton na mukhang nagtataka rin nang biglang tumawa ng mahina si Mrs. Smith.
"Oh my gosh. I'm so stupid para akalaing ikaw si Ella. I'm sorry, hija. By the way, I'm Beatrize Smith. Call me Tita, kay?"
Nakipag-shake hands na rin ako sa kanya tsaka ngumiti.
"Okay lang po. Nathalie nga po pala."
She smiled genuinely at me.
Grabe. Ang ganda niya.
"Dapat tito rin ang tawag mo sakin, hija! Oh, pano? I'm hungry."
Natawa kami kay Tito tsaka nagsalita si Tita.
"The dinner's ready. Let's go?"
Sinundan na namin sila at ngumiti naman sa akin si Axton.
Grabe. Ang weird ng feeling na Tito at Tita ang tawag ko sa kanila. Parang close agad? Hindi ba 'toh masyadong mabilis?
"Girl! Hindi ligawan ang pinapatagal! Relasyon!"
Napangiti ako nang maalala ang sinabi sakin ni Maggy kanina.
~*~*~
Naging maayos ang dinner. Panay ang tanong nila sakin na magalang ko namang sinasagot. Pakiramdam ko alam na nila lahat. Kahit nga ang pagkakaroon ko ng amnesia, alam nila.
"It's getting late. Mabuti pa ihatid mo na si Nathalie, Axton."
Napatingin kami kay Tito. See? Kahit ang pagtira ko sa unit ni Axton, alam nila.
"Aww. 30 minutes, Pa."
"Axton Brett, pagpahingahin mo naman si Nathalie. Baka may assignment pa yan."
Natawa kami kay Axton nang kumamot pa siya sa ulo niya. Para siyang batang ayaw pauwiin ang kalaro niya.
"Can I talk to Nathalie first?"
Napatingin ako kay Tita at para akong biglang ginapangan ng kaba. Nung dinner kasi, tahimik lang siya. Nakikitawa at nakikingiti lang. 'Di siya nagtatanong.
Tumingin sakin si Axton at ngumiti naman ako sa kanya.
"Okay. I'll prepare my car while the two of you are talking."
Nagpaalam na ako kay Tito bago sumama kay Tita na pumunta sa may labas. Namangha ako pagdating sa garden nila. Grabe, may pool pa. Nakakaloka.
"Uhmm.. Nathelie, about a while ago. I'm really sorry."
Siguro ang tinutukoy niya ay yung napagkamalan niya akong si ano.. Ano ulit yun? Ella?
"Okay lang po iyon."
Humarap siya sa pool at ganun din ako.
BINABASA MO ANG
Saving The Hugot Queen
Teen FictionAll girls are waiting for their Prince Charming to save them.. Until one get tired and saved herself. Meet Nathalie Alison Dominguez- the Hugot Queen. Once a princess who never lose hope that one day her prince will come and will save her..but that...