Axton's POV
"Gonna swing! In the Chandeliiieeeeer!~"
"Next!"
"One laaaast time!~"
"Next please!"
Hinilot ko ang sentido ko. What the h*ll?! Nakakasakit ng ulo ang mga boses nila. Ni wala ngang boses tapos ang lakas ng loob mag-audition. Tch.
"Aww. Axton baby, don't lose hope."
Agad kong inalis ang kamay ni Tristan nang akbayan niya ako tsaka ko siya tinignan ng masama.
"Stop it, Tristan. Konti na lang iisipin ko na na bakla ka."
"Oy! Straight ako ah! Niloloko ka lang eh."
Umayos na siya ng upo which is good dahil ibig sabihin nun ay mananahimik na siya. Kanina pa talaga ako naii-stress dito tapos dinadagdagan pa niya.
"Axton, ayusin mo nga yang mukha mo. First day palang naman eh."
"I know. Yung mga kumakanta kasi. Parang mga gasgas na CD."
Nagtawanan naman sila kaya tinignan ko silang lahat ng masama.
"Uh-oh. Bros, gotta go. Kirsten's waiting for me. Tapos na ang class niya."
Napatingin ako kay Brent na tumayo na at iniligpit ang mga gamit niya.
"Yung totoo? Boyfriend ka ba o service?"
"Ganun talaga, Axton. Kapag nagmahal ka, handa kang maging personal bodyguard o kahit service pa niya para lang masigurado mong ligtas siya."
Kumindat pa siya sakin at nanlaki naman ang mga mata ko nang marinig ang salitang 'ligtas'. F*ck it! Nakalimutan ko si Nathalie!
"Sige, sige! Sabihin niyo bukas na lang ulit yung audition."
Kinalkal ko ang bag ko dahil wala sa bulsa ko ang phone ko. Sh*t. Bakit nga pala hindi pa siya pumupunta rito? Wag mo sabihing naglilinis pa rin siya eh gabi na?
"Sorry, girls! Bukas na lang ulit kayo bumalik. Tapos na ang audition."
Narinig ko ang mahihinang reklamo ng mga babae matapos mag-anunsyo ni Leo pero hindi ko na sila pinansin. Sh*t. Where's my d*mn phone?!
"Thanks, bro ha? Kung di dahil sa audition na 'toh, hindi siguro mada-divert ang attention ko sa iba at malamang naglalasing na ulit ako."
Saglit akong nag-thumbs up kay Leo at tinuloy ko na ulit ang paghahanap sa phone ko.
"Una na ko, mga bro!"
"Sige lang! Wag kang magsu-suicide ah!"
"G*go!"
Narinig ko ang tawanan nila Tristan at Leo. Hindi na ako lumingon at patuloy lang sa pagkalkal ng bag ko. Bakit ba parang biglang lumalim at lumaki 'tong bag ko?!
"Bro, ano ba yang ginagawa mo? Hindi ka pa ba uuwi?"
"Tristan, did you see my phone?"
"Ha-ha!"
Napatigil ako sa pagkalkal sa bag ko at napalingon ako sa kanya. Anong tinatawa-tawa niya?
"Ha-ha! Tumatanda ka na, Axton. Nagiging makalimutin ka na. Yun phone mo oh! Ha-ha!"
Napalingon ako sa tinuturo niya. Tss. Nasa table lang pala. Hindi ko siguro napansin dahil sa sobrang pagkataranta. Yung babaeng kasing yun!
BINABASA MO ANG
Saving The Hugot Queen
Teen FictionAll girls are waiting for their Prince Charming to save them.. Until one get tired and saved herself. Meet Nathalie Alison Dominguez- the Hugot Queen. Once a princess who never lose hope that one day her prince will come and will save her..but that...