Nathalie's POV
Aarrghh. Ano ba naman ang isang 'toh? Pinakain ba 'toh ng isang buong lata ng sleeping pills at hindi ko magising-gising?
"Psst! Aarghh! Gumising ka na nga!"
Bumubulong lang ako pero gusto ko na talagang sumigaw sa sobrang inis ko. Pakiramdam ko ay isang oras ko na siyang ginigising. Muli kong ginalaw patalikod ang paa ko para sumagi ito sa paa niya pero wala pa ring epekto.
Nakatali kami sa dalawang upuan at nakatalikod kami sa isa't isa. Nasa isang kwarto kami at sa harap ko ay may isang kama. Sa kaliwa namin ay ang pintuan. Bukod dun ay wala na akong ibang maaninag dito sa kwarto dahil medyo madilim din ang ilaw.
"Gumising ka na please? Aarrghh!"
Hindi ko matanggal ang pagkakatali namin. Pambihira! Huminga ako ng malalim tsaka binuwelo ang paa ko at sinipa ito patalikod. Ramdam ko ang pagtama nito sa paa niya pero mukhang di pa rin siya nagigising.
"Aray!"
Arrghh! Ang sakit ng ulo ko! Pagtingala ko ay nagtama ang ulo namin. Napakatigas naman kasi ng ulo nito eh.
"Ugh. Why do you have to do that?"
He said with a groggy voice. Susmiyo! Yun lang pala ang makakagising sa kanya!
"Hoy Mr. Sleepyhead! Kung di mo pa napapansin ay nakidnapped po tayo. Ngayon mo pa nakuhang matulog eh ni hindi ko na nga alam ang gagawin ko rito."
Hindi ko alam kung gising na ba siya pero nararamdaman ko na ang paggalaw niya.
"Uughh! Who the h*ll tied this rope in my hands?! I'll kill those bastards!"
"Pwede bang manahimik ka? Hindi natin alam kung nasa labas lang sila and I'm telling you, mas mapapahamak tayo kung malalaman nilang gising na tayo so you better shut your mouth."
Tumahimik naman siya. Whoo! Buti naman! Napapa-English ako ng di oras eh. Sinubukan ko ulit alisin ang lubid pero pakiramdam ko ay lalo lang itong humihigpit.
"Uugh. Matanggal ka na. Matanggal ka na."
I whispered. Nakakainis!
"Bakit ba nagpapakapagod ka pa diyan?"
Tumirik ang mata ko nang marinig ang boses niya. Bakit ba napaka-kalmado niya? Ano? Sanay na ba siya sa ganitong senaryo?
"Eh anong gusto mong gawin ko? Kumalma tulad mo?"
"Wag kang mag-aksaya ng pagod mo. Soon they'll find out that we're missing. Let's just wait for their help."
"Wag kang masanay na umasang sa lahat ng oras ay may magliligtas sayo. Minsan, kailangan mo ring matutong iligtas ang sarili mo."
Napatigil ako sa pagkapa sa lubid na nakatali sa mga kamay ko. Para kaming nagpapakiramdaman. Hininga lang namin ang naririnig ko.
"Kaya mo bang abutin ang bulsa ko?"
Nagulat ako nang bigla siyang magsalita. Dahan-dahan akong tumango kahit di naman niya ako nakikita.
"I think my Swiss knife is still there. Makukuha mo ba?"
"S-Subukan ko."
Ngayon ko lang na-realized, hindi ako sanay sa pagseseryoso niya. Nakakapanibago. Ginalaw ko ng kaunti ang kamay ko at sinubukang kapain ang bulsa niya.
"Careful. Baka iba ang makapa mo diyan."
Pakiramdam ko ay umakyat lahat ng dugo ko sa pisnge ko.
BINABASA MO ANG
Saving The Hugot Queen
Teen FictionAll girls are waiting for their Prince Charming to save them.. Until one get tired and saved herself. Meet Nathalie Alison Dominguez- the Hugot Queen. Once a princess who never lose hope that one day her prince will come and will save her..but that...