Hugot #36 ~Let's Dance

332 9 0
                                    

Nathalie's POV

Naglalakad-lakad lang ako sa unibersidad. Gusto ko na sanang umuwi para makapag-painting pero hinihintay ko pa si Axton dahil may klase pa siya at siya raw ang maghahatid sakin pauwi.

Oo. Iba na ang ikot ng mundo. Babae na ang naghihintay. Lahat talaga ng bagay nagbabago.

Isa pa, may practice kami ng sayaw ngayon. Ako kasi ang ginawang partner ni Axton para sa gaganaping cottillion sa Christmas Ball na hindi ko naman dinadaluhan noon. Ayaw nga rin sana ni Axton kaya lang kinausap sila ng Principal na sumali sila sa cottillion dahil sila ang mga pinaka-sikat sa Unibersidad.

Bigla kong naramdaman ang pagba-vibrate ng phone ko kaya agad ko itong kinuha mula sa bulsa ko.

From: Axton

I'm bored. Can I just skip this class and date you instead? I miss you.

Bigla ko na lang naramdaman ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Itong torpeng 'toh! Mukhang one-on-one ang pagtu-tutor sa kanya ni Brent kung paano dumiskarte sa babae!

Nakakainis! Bakit ako kinikilig? Hindi pa rin ako sanay.

Kagat-labi na lang akong nag-type ng reply.

To: Axton

Tse! Sinimulan mo yan kaya tapusin mo na yan hanggang dulo. Tsaka anong skip class? Nililigawan mo palang ako kaya magpa-good shot ka!

Nanlaki ang mga mata ko nang mai-send ko na ang text. Hala! Saan galing yun? Ako ba talaga nag-type nun? Hala!

Wala pang ilang segundo ay may reply na agad siya.

From: Axton

My Queen, we are the second richest family in our country. You still don't know that huh? But I understand. Mag-aaral na ako nang mabuti para sa future ng family natin. :))

Jusko. Hanep. Grabe.

Inilagay ko na sa bag ko ang phone ko at baka kung ano pa ang masabi ko sa kanya. Hindi pa rin nawawala ang mabilis na tibok ng puso ko. Pakiramdam ko lumulutang ako at may kung ano sa tiyan ko.

Jusko. In love na ata ako.

"Ano.. Ano bang pag-uusapan natin?"

Bigla akong napatigil. Hindi ko namalayang nandito na pala ako sa playground ng mga elementary students. Sabado ngayon kaya nakakapagtaka na may tao. Sumilip ako kung sino yun.

Jusko! Seryoso ba 'toh? Si Maggy at Christian?!

Nanatili na lang ako sa pwesto ko kung saan nahaharangan ako ng puno at hindi nila ako nakikita.

"I just want to talk to you. Sorry, Maggy. Sorry kung napaasa kita. I didn't mean it."

Paano niya nagagawang pag-usapan yun na parang normal lang ang lahat?

Oo nga pala. Si Christian Playboy Dela Vega ang pinag-uusapan natin dito.

"H-Hindi mo kailangang mag-sorry. Kasalanan kong umasa ako."

Umiiyak ang best friend ko. Ngayon ko lang siya nakitang umiyak nang dahil sa lalaki.

Naiyukom ko ang kamao ko.

"Ganun lang talaga ako sa mga kaibigan ko. Sorry kung na-misunderstood mo."

"O-Okay lang. Okay lang talaga."

Hayy, nako. Seryoso, Maggy? Okay lang? Nasasakan ka na, okay lang?

"Si Ashley ang mahal ko."

Saving The Hugot QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon