Nathalie's POV
Akala ko noon, sobrang komplikado ng Math. May mas kokomplikado pa pala.
Gusto ko siyang layuan. Baka kasi ako pa yung maging dahilan kung bakit mapalayo ang loob sa kanya ng taong nagugustuhan niya.
Huh. Iniisip ko ba na pagseselosan ako ng babaeng yun? Ngayon ko lang nalaman na assumera pala ako.
Hindi.
Hanep, Nathalie! Aminin mo na lang na gusto mong lumayo kasi ayaw mong lumala pa yang nararamdaman mo at dumating sa puntong hindi mo na mapigilan at hindi mo na gustuhing pigilan pa.
Sa sobrang dami ng mga bagay na tumatakbo sa isip ko, hindi ko na namalayang nakatulog na pala ako. Nagising na lang ako dahil sa ingay na narinig ko mula sa labas ng kwarto. Umupo ako sa kama at kinusot ang mga mata ko. Halos naka-pikit pa ako habang naglalakad palapit sa pinto. Idinikit ko roon ang ulo ko para mas malinaw kong marinig kung sino ang nasa labas.
"Hindi pa ba gising? Baka ma-traffic tayo."
"Ginisigising ko na nga oh."
"Tristan naman kasi. Biglaan! Siguraduhin mo lang na gagana 'toh ah!"
"Manahimik ka na lang, Maggy bago ko pa maisipang iwan ka."
"Wag niyo na lang kasi munang gisingin. Pagod yun. Nagpapahinga."
"Kikiligin sana ako sa sinabi mo pero hindi pwede! It's now or never!"
"Oo nga. Baka mamaya mawala pa yang konting tapang na nakuha mo at hindi mo pa masabi kay Nathalie na—"
Natigilan silang lahat at napatingin sa akin nang buksan ko ang pinto. Nandoon silang lahat. Kumunot ang noo ko.
"Sabihin ang ano?"
Nagkatinginan sila at bigla namang binatukan ni Brent si Leo.
"Napakadaldal kasi."
"Malay ko ba na gising na pala."
Kumunot ang noo ko.
"Ano ba yun?"
Napakamot sa ulo si Tristan at alanganing tumingin sakin.
"Ano kasi.. G-gusto niyang sabihin sayo na.. Na ano.. Pupunta tayong Tagaytay!"
Natigilan ako.
Tagaytay..
"Ano kasi, Nath. Tutal sembreak naman tayo for one week, bakit hindi natin gamitin ang time na yun para magawa na natin yung music video para sa Battle of the Bands? Bonding time na rin natin yun."
Ayoko sana pero kailangan. Tumango ako sa kanila tsaka tipid na ngumiti.
"S-Sige. M-Maliligo lang ako."
Pumasok na agad ako sa kwarto tsaka ako sumandal sa pinto. Huminga lang ako ng ilang segundo tsaka ko sinimulang ayusin ang sarili ko. Pagkatapos nun ay umalis na kami. Nasa isang van lang kami. Si Leo ang nagda-drive at katabi niya si Missy. Sa first row naman ay sina Brent at Kirsten, second row sina Maggy at Tristan na nagbabangayan pa at sa last row naman kami ni Axton. Hindi ko alam kung paano ko siya kakausapin.
"Uhmm..o-okay lang ba sayo na sa Tagaytay tayo?"
Bigla akong napatingin kay Axton. Akala ko galit siya sakin.
BINABASA MO ANG
Saving The Hugot Queen
Teen FictionAll girls are waiting for their Prince Charming to save them.. Until one get tired and saved herself. Meet Nathalie Alison Dominguez- the Hugot Queen. Once a princess who never lose hope that one day her prince will come and will save her..but that...