Hugot #54 ~ Party

269 8 0
                                    

Nathalie's POV

Walang mapagsidlan ang kaba ko ngayong gabi. Mas naguumapaw pa ito kaysa sa sinasabi niyang pagmamahal niya sayo.

Ito na ang araw. Hindi lang basta kaaarawan ko, mamaya ay ibubulgar na namin sa lahat ang tunay na kulay ni Leila.

Tinignan ko ang flash drive na hawak ko. Nandito ang lahat. Isang buong presentation na naglalaman ng mga kwestionableng bank transactions ni Leila, meron ding transactions sa isang lihim niyang bank account, ang mga pinaghihinalaang mga tauhan ni Leila sa loob ng kompanya, ang mga recordings at iba't iba pang ebidensiya.

Hinigpitan ko ang kapit ko rito. Sana mamaya na.

Sana mamaya na mag-wakas ang lahat ng ito.

Awtomatiko kong naitago ang flash drive sa likuran ko ng bumukas ang pinto.

"Relax. It's just me, my Queen."

Nakahinga ako ng maluwag nang makitang si Axton naman pala ang pumasok. Ini-lock na niya ang pinto.

"Naka-usap ko na sina Brent at Kirsten. Sila na lang ang magbibigay ng flash drive sa mga staffs mamaya bago ka magsalita."

Tumango ako at iniabot sa kanya ang flash drive. Inilagay niya yun kaagad sa bulsa ng coat niya.

Nakasuot siya ng isang black tuxedo na talaga namang bagay na bagay sa kanya. Bahagya ring nakataas ang buhok niya.

Ang gwapo!

"I won't stay here for too long. Siguradong hinahanap na ako ng mga organizers sa baba."

Natawa ako sa sinabi niya. Bawal naman kasi siya rito eh. Dapat doon niya pa ako sa may event hall kikitain.

"Ano ba kasing ginagawa mo rito? Ang hilig mong suwayin ang bawal eh, kaya ka napapahamak."

Napailing lang siya habang natatawa sakin.

"I just came here to give you this."

Kinuha niya ang kamay ko at bahagya pa siyang napahinto nang makitang nakasuot sa daliri ko ang promise ring na ibinigay niya sakin. Hindi na siya nag-abala pang itago ang ngiti sa mukha niya.

"Take care of this the way I take care of you."

Isinuot niya sakin ang isang eleganteng bracelet. May mga gems ito at sa gitna ay may hugis puso at nakaukit ang mga initials namin.

A. N.

"Sobrang ganda."

"Mas maganda ka."

Napatingin ako sa kanya tsaka ko siya mahinang itinulak.

"Mamaya mo na ako bolahin!"

"I'm serious. My Queen is so beautiful."

Napangiti ako sa kanya.

"Ang gwapo rin ng hari ko."

"That's what I like about you."

Natawa ako sa sinabi niya.

"Hmm, pano? See you there."

"Sige."

Tumalikod na siya sakin pero nagulat ako nang bigla siyang bumalik tsaka ako hinila at niyakap ng mahigpit. Ibinalik ko ang yakap na ibinigay niya sakin.

"I'm scared."

Natahimik ako sa sinabi ni Axton.

Ako rin. Sobra.

Saving The Hugot QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon