Hugot #10 ~Knowing each other

509 22 7
                                    

Nathalie's POV

Mag text ka. Mag text ka.

Kanina pa ako nakatitig sa telepono ko. Mukhang wala akong raket ngayon. Walang tumatawag.

Hayy.

Nilikom ko na ang mga gamit ko. Yung mga libro, papel at listahan ng mga pinagtatrabahuhan ko. Ginawa ko pa naman ang mga assignments ko ng maaga para makapagtrabaho ako hanggang mamaya. Tinawagan ko na nga eh kaya lang wala raw silang available na trabaho ngayon.

"Nandito ka lang pala! Come with me!"

"O-Oy!"

Hindi ko alam kung nag-teleport ba siya o ano at bigla na lang siyang lumitaw sa tabi ko. He pulled my wrist tsaka kami tumakbo. Muntik pang mahulog ang backpack ko. Buti na lang naisuot ko na sa balikat ko.

May mga tao talagang dadating sa buhay mo na hindi mo namamalayan.

Hila-hila niya lang ako at nagpapasalamat akong kahit hapon na ay nasa klase pa rin ang karamihan ng mga estudyante. Maaga talaga ang uwian ko tuwing Miyerkules kumpara sa ibang araw.

Nakangiti siyang tumigil sa tapat ng sasakyan niya. Nagpamulsa siya tsaka niya inilabas ang susi nito.

"Guess what's inside."

Parang excited na excited pa siya at pigil na pigil ang ngiti niya. Napakunot ang noo ko. Anong problema nito?

"Wala akong oras para diyan, okay? Ano bang meron?"

Ngumisi siya at sinusian niya ang sasakyan. Binuksan niya ang compartment niya at bumungad sa akin ang ilang canvass, paintbrushes mula sa pinakamanipis hanggang sa pinakamakapal, iba't ibang kulay ng mga poster paints, at iba pang gamit para sa pagpipinta.

"Wow."

Grabe! Ang dami! Para akong biglang na-excite. Ako ba ang gagamit ng lahat ng yan?

"And! I want to see kung paano ka mag-drawing so better start with this!"

"Sketchpad ko!"

Kinuha ko yun agad sa kanya. Grabe. Nasa kanya pa nga pala 'toh. Sa sobrang dami ng nangyari samin, ngayon ko lang ulit ito naalala.

Hinila niya ako papunta sa may playground. Napangiti ako nang makitang ganun pa rin ang itsura ng playground pero mukhang ginagamit na ito dahil may ilang kalat na sa paligid. Walang tao kaya dun na lang ako umupo sa may damuhan at tumabi naman sakin si Axton.

"Ano bang magiging theme mo para sa art exhibit?"

Nagkibit-balikat lang siya kaya napanganga ako. Ano 'toh? Wala siyang kaplano-plano?

"Ikaw na bahala."

Sana ako na lang nagtayo ng art exhibit, ano? Pero hayaan mo na nga. Kinuha ko na lang ang lapis ko sa bulsa tsaka binuklat ang sketchpad sa blankong papel. Sumandal ako sa puno tsaka ko sinimulang mag-drawing.

"Bakit ganyan? Ayoko ng ganyan!"

Tinaasan ko siya ng kilay. Wala na nga siyang ginagawa tapos kokontra pa siya.

Saving The Hugot QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon