Hugot #30 ~Meet My Parents

356 13 2
                                    

Nathalie's POV

From: Axton

Good morning, my Queen! = )

Natawa ako matapos basahin ang text message niya. Paninindigan niya talaga ang pagse-send sakin ng morning greetings araw-araw ha?

Ginawa ko na yung mga morning rituals ko. Kailangan maaga akong umalis para makasakay agad ako ng jeep dahil balik klase na. Pagpunta ko sa may sakayan ay meron nang nakahintong jeep kaya lang ay puno na.

Ano ba yan. Ayaw pa ring umalis eh puno na nga. Sino pa bang hinihintay niya? Pasahero? Eh wala na nga eh. Umaasa lang siya sa wala. Naghihintay sa isang bagay na wala namang kasiguraduhan.

Maya-maya ay may dumating na dalawang babae at sumakay sa jeep. Sana naman umalis na yung jeep para may makaparada na ritong iba at makasakay na ako.

"Ayy,puno na pala. Tara, Sis. Hintay na lang tayo ng iba."

Napatingin ako dun sa dalawang babaeng sumakay ng jeep pero bumaba rin. Hindi ko tuloy maiwasang bumulong sa sarili ko.

"Ayan. Ang hilig niyo kasing magmadali kaya ayos lang kahit ipagsiksikan niyo ang sarili niyo, ayos lang kahit mahirapan kayo. Nakakaloka. Bakit mo pa ipagsisiksikan ang sarili mo kung may iba namang parating?"

"Ang aga-aga,humuhugot ka."

Napalingon ako sa taong bumulong sa likuran ko at isang rose na kulay lavender ang bumungad sakin. Kinuha ko yun tsaka tinignan kung sino ang may hawak nito kanina.

I can't help but to smile when I saw his smiling face.

"Good morning, my Queen."

"Good morning. Para naman saan 'toh?"

Itinaas ko ang rose para makita niya kung ano ang tinutukoy ko. Ngumiti siya tapos ay kinuha yung backpack ko na nakasabit sa isa kong balikat. Hinawakan niya ang wrist ko at hinila ako palayo sa sakayan at papunta sa parking ng condominium.

"Lavender symbolizes love at first sight. And you know what? That's what I feel every time I look at you."

Ngiting-ngiti siya habang nakatingin sa dinadaanan namin habang ako naman ay nakangiti rin ng parang baliw. Yumuko na lang ako habang itinatago ang ngiting ito. Pinanood ko ang pagdausdos ng palad niya mula sa wrist ko papunta sa kamay ko na mas ikinalawak ng ngiti niya.

Teka. Nililigawan palang ako diba? Dapat no touch diba? Naku! Bahala na! Gusto ko rin naman eh.

May mga bagay na hindi na dapat pigilan. At kapag alam kong mahal ko na siya gaya ng pagmamahal niya sakin, sasagutin ko na siya.

Nang makarating kami sa sasakyan niya ay pinagbuksan niya ako ng pinto at inalalayan akong makasakay. Nilagay niya sa may passenger seat ang bag ko bago sumakay sa may driver's seat.

"Next time, wait for me. Wag ka ng mamasahe, okay?"

"Huh? Bakit naman?"

"Hatid-sundo kita."

Nagsimula na niyang paandarin ang sasakyan kaya nang tumingin ako sa kanya ay nakatutok na ang paningin niya sa daan.

"Baka naman magsawa ka sa mukha ko niyan."

"Nope. Never."

Grabe. Nakakahawa yung ngiti niya. Kaya pala kahit may pagka-suplado siya sa Unibersidad madami pa ring nagkakagusto sa kanya.

Pagbaba namin sa sasakyan ay halos mabali ang leeg ng mga tao kakatingin sa aming dalawa. Napayuko tuloy ako para itago ang mukha ko pero nagulat ako nang itaas ni Axton ang baba ko at ngumiti sakin.

Saving The Hugot QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon