Nathalie's POV
Dumukot ulit ako ng chips habang pinapakinggan ang kwento ni Maggy.
"Ay, girl! What if, magbenta ako ng mga ginagantsilyo ko? Para naman maging worth it yung past time ko. Tsaka gusto ko ring magkaroon ng sariling income."
Ngumiti ako kay Maggy at agad na sumang-ayon sa kanya. Nakakatuwa kasi kahit rich kid siya ay gusto pa rin niyang magsumikap para makakuha ng sarili niyang pera.
"Kaya lang, ayaw nila Dad. 'Di na raw kailangan tsaka magsasayang lang daw ako ng effort."
Saglit akong nag-isip bago muling dumukot ng chichirya. Nandito nga pala kami sa canteen.
"May business proposal ako sayo. Ikaw na ang bahalang gumawa ng product. Ako ang magbebenta."
Para namang biglang kuminang ang mga mata niya.
"Talaga? Oh my gosh, I love you girl!"
"Kapag may kailangan ka lang, dun mo lang ako mahal."
"Uy! 'Di ah! Ikaw nga eh, sikat na yung mga friends mo."
Magsasalita pa sana ako pero may biglang tumawag sa kanya kaya sabay kaming napalingon. Lumapit siya samin kaya napakunot ang noo ko.
"Hi Maggy! Hi Nathalie! Buti nakita ko kayo rito. Gusto niyong manood ng practice namin sa may field?"
Aba. Kailan pa sila naging close?
"Ah..eh.. G-Gusto ko sana Christian kaya lang may dinner kasi ako with my family at susunduin na nila ako maya-maya."
Napatingin ako kay Maggy. Tama ba ang rinig ko? Tumanggi siya?
"Really? Okay, maybe next time. Bye!"
Agad akong humarap kay Maggy pagkaalis ni Christian.
"Mukhang may sikat ka ring kaibigan at 'di ko man lang alam. Kailan pa kayo naging close at paano niya nalaman ang pangalan ko?"
"Eh kasi, pag nakikita niya ako palagi niya akong nililibre kaya ayun. Medyo naging close na kami kaya nakuwento na rin kita sa kanya."
Hindi pa ako kumbinsido sa sagot niya pero wala na akong nagawa nang magpaalam siya dahil tinext na siya ng mga magulang niya.
"Bye, girl! Take care! Love yah!"
"Oy! Yung basura mo! Ganyan naman ang mga tao. Sanay na sanay mang-iwan."
Hindi na niya ako pinansin at tatawa-tawang lumayo sakin. Dinampot ko na lang yung balat ng chichirya tsaka ako pumunta sa sulok ng canteen kung nasaan ang basurahan. Aalis na sana ako nang may makita akong babaeng nakayuko sa mesa. Bigla siyang tumingin sakin at laking gulat ko nang makita ko siyang umiiyak.
"N-Nathalie, break na kami."
Bigla siyang humagulgol at nagtinginan ang ibang mga tao sa canteen. Umiling lang ako sa kanila tsaka ako umupo sa katapat niyang upuan.
"Hayaan mo na siya. Iiyak ka kasi nasaktan ka? Bakit? Yung nanakit ba sayo umiiyak din?"
"Pero Nathalie, mahal ko talaga siya eh. Gusto kong makipagbalikan sa kanya."
"Ano?! Pumili ka. Iuuntog kita sa pader o ihuhulog kita sa hagdan? O baka naman gusto mong barilin kita doon sa may Luneta, ha? Nakipaghiwalay ka tapos makikipag-balikan ka. Sinong niloloko mo?"
Aba. Eh nakakaloka naman talaga itong si Rose eh. Una palang naman, alam kong di na sila tatagal ng kung sinoman ang boyfriend niya. Pero dahil 'di naman kami close, 'di na ako nakielam sa kanila.
BINABASA MO ANG
Saving The Hugot Queen
Dla nastolatkówAll girls are waiting for their Prince Charming to save them.. Until one get tired and saved herself. Meet Nathalie Alison Dominguez- the Hugot Queen. Once a princess who never lose hope that one day her prince will come and will save her..but that...