Prologue

87 10 0
                                    

KIO

Marahan ko siyang hinila at pinasok sa kotse ko. Ni-lock ko kaagad ang pinto ng sasakyan para hindi siya makalabas dahil alam kong tatakasan niya na naman ako.

“A-Ano ba?” naguguluhang tanong niya but I only stared at her intently.

“Bakit mo ako dinala rito? Sinabi ko na ‘di ba? Tigilan mo na ang paghatid-sundo sa amin ni Sachi!” bulyaw nito sa akin pero hindi ko iyon inalintana.

“May problema ba tayo?” I pleadingly asked her habang iniisip pa rin kung may nagawa ba akong mali. Okay pa naman kami noon a?

“Sagutin ko naman ako please? Mababaliw na ako sa kakaisip kung may ginawa ba akong mali Xantiel. Huwag namang ganito.”

Sandali niya akong tinitigan bago sumagot.

“Wala... Wala tayong problema Kio.”

“Wala pala e. Why are you avoiding me?” seryosong tanong ko sa kaniya.

Hindi siya makatingin ng diretso sa mata ko. She keeps on avoiding my gaze. Ang sakit naman.

“Pasensya na. Busy lang ako Kio.” mahinang tugon nito pero wala akong reaksyon doon.

“Palagi naman tayong busy simula pa noong una pero may oras tayo para sa isa't isa..” I retorted habang pinipigilan ang sariling maluha. “Ano ba talaga ang problema natin Xantiel?” tanong ko pa.

This time ay tumingin na siya sa akin. Pain is visible in her eyes at parang anumang oras ay iiyak na rin siya kagaya ko.

“Gusto mo ba talagang malaman Kio?” tanong niya kaya dahan-dahan akong tumango.

“Hindi kasi natin maayos ang problema kapag hindi ka nag—”

“Hindi naman kasi talaga maayos ‘tong problema na ‘to Kio.” she cut me off while looking at me sadly. “Hindi tayo pwede Kio. Hinding-hindi.”

Dahil sa sinabi niya ay taka ko siyang tiningnan. “W-What do you mean? Okay naman tayo a? Tanggap naman ako ng family mo at ganoon ka rin sa pamilya ko. Ano bang sinasabi mo dyan Xantiel?” naguguluhang tanong ko sa kaniya kaya malungkot itong ngumiti.

“Hindi tayo pwede dahil sa parents natin. Ang papa mo... Ang papa mo ay ex ni Mama.” diretsong sagot nito. “Siya ang dahilan kung bakit nagkanda letse-letse ang buhay ng nanay ko at muntik pang itakwil ng angkan namin noon!”

She left me dumbfounded inside my car after she answered my questions. Bakit hindi man lang sinabi sa akin ni Papa?

I tried to stop her na lumabas pero tanging sigaw niya lang ang narinig ko.

“Hindi nga tayo pwede Kio! Tigilan mo na ako!”

My Summer Breakthrough Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon