XANTIEL
“Ang pretty mo talaga Miss Xantiel!” pagpuri sa akin ng makeup artist kaya ngumiti ako. Inaayusan nila ako ngayon dahil kasal ni Kuya Gab. Yeah, that guy cousin from our family reunion.
I still can‘t believe na ikakasal na siya. Parang kailan lang nga noong nagmumukmok pa siya kasi iniwan daw siya ng jowa niya tapos ngayon? Ikakasal na siya. I‘m so happy for him lalo pa‘t maganda ang bride niya at mabait din. They‘ll be a great couple.
“Gawin mong tao ‘yan Piper ha!” rinig kong sigaw ni Kuya kaya napairap ako.
Lumingon ako doon sa pintuan kung saan siya nakasandal saka siya sinamaan ng tingin. “Huwag ka sanang siputin ng bride mo mamaya!” nakasimangot kong saad pero binelatan niya lang ako saka lumabas.
Natatawa naman kaming pinagmasdan ni Piper saka pinagpatuloy na lang ang pag-aayos sa akin.
Nandito rin sa kwarto sila Ate Vixen dahil dito rin sila inaayusan. Apat na makeup artist ang nandito at yung iba naman ay nasa kabila. Gusto kasi nilang maging engrande ang kasal ni Kuya Gab kaya dapat daw, expensive kaming tingnan mamaya.
I‘m one of the bridesmaids. Mabuti na lang talaga at hindi sa oh-so-called kasal ni Trisha at Kio. Yuck! I can‘t imagine!
Speaking of Kio, nandoon siya sa kabila kasama sila Kuya Gab at ang iba ko pang mga pinsan. Gusto raw kasi nilang makilala ang manliligaw ko kaya dapat isama rito sa kasal. I‘m a little bit worried na baka may sabihin sila na ikasasama ng loob ni Kio pero I trust them naman.
“Ganda naman! Patay na patay na niyan sayo mamaya si Kio!” natatawang saad ni Ate Vixen kaya tumawa na lang din ako.
Kahit naman simple lang ako, patay na patay naman talaga sa akin ‘yon.
Ilang minuto pa ang itinagal sa paglalagay ng kung anu-ano sa mukha ko at pag-ayos ng buhok ko bago kami pumunta na sa lobby dahil nandoon na raw ang van na sasakyan namin. Pinapagitnaan ako nila Ate Vixen at Mira.
“Pogi pala talaga nung manliligaw mo ‘te! Worth it naman pala ang iyak mo nung reunion.” pang-aasar sa akin ni Mira kaya sinimangutan ko siya.
Ayaw ko nang maalala pa kung ano ang ginawa ko noong reunion. Sabi nga ni Tita Neriza, “Past na. Huwag nang ibalik dahil tapos na ‘yon.”
“May interview na naganap kanina.” natatawang sambit ni Ate Vixen saka tumingin sa akin.
“Tanggap na kaagad sa pamilya si Kio. Pasadong-pasado e.” nakangising dagdag pa niya kaya napahinga ako ng maluwag.
Akala ko, pinagtripan na naman nila kagaya ng ginawa noon sa boyfriend ni Mira e. Although kasama naman ako sa nagplano no'n hehe.
Dumating na kami sa simbahan kaya isa-isang nagsibabaan na ang nandito sa van. Hinintay muna naming makababa ang lahat bago sumunod sa kanila.
Ang ganda ng pagka-decorate dito. Expensive na expensive ang datingan!
We waited for the ceremony to start. The bride is so beautiful! She‘s so stunning in her white long gown. Very very pretty.
Mabuti na lang at hindi umiyak si Kuya Gab while waiting for her bride. Delikado kapag ganoon. Baka magloko e! Karamihan kasi sa mga umiiyak during their wedding day ay humahantong lang sa pagiging cheater. A big ekis kung ako ang tatanungin.
***
Reception time! Yeah, ito lang talaga ang habol ko. Ang mga pagkain sa reception.
“Ang ganda naman ng future ko.”
Nanindig ang mga balahibo ko nang may bumulong sa tainga ko. It was Kio obviously. Kinabahan lang talaga ako lalo pa noong naramdaman ko ang mainit niyang hininga sa leeg ko.
BINABASA MO ANG
My Summer Breakthrough
Dla nastolatkówXantiel Alcazar hates summer. For her, summer is boring. Wala raw kasing pasok. Kapag walang pasok, walang allowance. Kapag walang pasok, stay at home lang at walang pera. Kung may reunion naman, puro plastikan lang ang ganap. But, was it really be...